Chapter 26

216K 7.6K 1.3K
                                    

Her POV

I'm staring blankly at the ceiling. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Mabuti na lang hindi ako pinagalitan no'ng umabot 'yon sa council. Though minsan lang 'yon nangyayari pero naiintindihan naman DAW nila. Si Elene kasi ang humarap sa kanila dahil nagpahinga ako.

Hindi ko akalain na nasira ko 'yon. Pilit kong tinatak sa isip ko na dahil 'yon sa baseball bat but there's something on Elene's words saying that I should believe on myself. Na ako ang may gawa no'n. Pero parang napaka-imposible. Mahirap mag- sink in sa 'kin because all my life favorite ako ng mga bully at hindi ako gumaganti. Lagi ko silang iniintindi at takot rin ako na lumaki pa ang gulo. And I always think that I'm not capable of protecting myself because I believe that I'm weak.

Natigilan ako nang marinig ang pag-door bell. Wala kaming pasok ngayon for unknown reason again. Though I think parang wala lang rin kasi may pasok man o wala, wala naman kaming matututunan. Sa tingin ko nga hindi 'to punishment. Ang tama kasing punishment para sa 'kin ay 'yung tambak na gawain hindi 'yung ganito.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto para puntahan ang pinto. Pagbukas ko ay sumalubong sa 'kin ang isang lalake na naka- black suit at slacks. His face was emotionless and he's stiffly standing in front of my door.

"Hello po, ano pong kailangan niyo?" Bati ko at pinasadahan ang buhok. Halos hindi siya tumingin sa 'kin. Straight lang ang mukha niya kaya naman hindi talaga ako madadaanan ng tingin niya dahil hanggang chin lang niya ako.

"Accept this Lady Agape." May ibinigay siya sa akin na napakalaking box. Tinanggap ko 'yon at hindi naman gaano kabigat kaya, kayang-kaya ko. Napakamot ako at tiningala siya.

"Kanino po 'to? Akin? Kanino galing?" Sunod-sunod kong tanong. Hindi pa rin niya ako tinatapunan ng tingin. Do I look bad?

"It's from Greg Monteverde."

Mahina akong suminghap nang marinig ang pangalan niya. Marinig ko pa lang parang may iba ng dating sa 'kin.

"Asan po siya?" I asked.

May inabot lang siya sa 'kin na maliit na card. Parang takot pa siya na madikitan ako dahil agad niyang nilayo ang kamay nang madikitan ko 'yon dahil sa pagtanggap.

Uminit ang pisngi ko sa pagkapahiya. Naligo naman ako, a? Bakit halos diring-diri yata siya at ayaw akong dikitan, ni tignan man lang. It's not like that I want his attention or what. He's just acting weirdly at nako-conscious ako dahil baka may mali sa 'kin.

Bigla siyang umalis sa harapan ko kay naiwan ako na nakatunganga. Nang makahuma ay bumuntong-hininga ako at sinara na ang pinto. Sinulyapan ko ang card at hinaplos ito. When I flipped it, I saw a short note.

'I'm sorry, kitten. I'm sorry for my absence yesterday. I'm sorry.'

Parang nag-karerahan na naman ang kung ano sa dibdib ko. Napakabilis ng bawat tibok ng aking puso habang nakatitig sa pamilyar na sulat kamay. Katulad 'to sa natanggap ko no'ng  sinugod kami nila Nathalie, Crisafaith at Ynette sa comfort room. May kasama pa nga 'yon na bulaklak. And it's obvious with his nickname for me.

Ang tatlo pala na 'yon ay pinalaya ko na. Sabi ko hindi na sila required na magpaka-alipin sa akin kasi 'di ko naman kailangan.

Nilagay ko 'yon sa bulsa at lumuhod sa harap ng malaking kahon. Sigurado ako na kay Greg ito galing. Dahan-dahan ko 'yon na binuksan. Kinalas ko muna ang tali saka inangat ang karton na nasa ibabaw. Napansin ko lang na may butas-butas sa gilid-gilid kaya lalo akong nagtaka kung ano ang nasa loob.

Baka naman tandang na manok?

Nanlaki ang mata ko nang tuluyan ng masilayan ang nasa loob. I bit my lower lip then giggled saka ito pinakawalan sa magandang kulungan. Agad itong dumako sa 'kin at dinila-dilaan ang paa ko.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon