Chapter 24

219K 7.2K 934
                                    

Her POV

Dumaan muna ako sa dorm ko para magpalit ng p.e uniform. Nauna na si Lyndon kaya sumunod ako sa tinatawag nilang Salle de formation o training room. Mabuti na lamang at dala ko ang mapa na kasama ng booklet na binigay no'n kung hindi ay naligaw na ako. Hindi man lang ako hinintay ng lalaking 'yon.

Tinulak ko ang pinto at bumungad sa 'kin ang napakalawak na kwarto. Namangha ako sa lawak no'n at sa isang sulok ay may malaking cabinet. Nakatayo at nakapamulsa sa tabi nito si Lyndon. He looks so bored while leaning on the wall. He looked up and stared at me bago umiling.

"Tss, ang bagal mo, stupid!" He uttered. Napanguso ako at naglakad patungo sa kaniya. Napakurap-kurap siya bago umismid.

"Don't pout, mukha kang pato. Ang pangit mo.." Umiwas siya ng tingin. Lalo akong napasimangot. May problema talaga sa 'kin ang taong 'to. Parang babae na may dalaw. Kung hindi nga lang siya lalake iisipin ko na meron siya ngayon.

"Ganiyan ka ba talaga kabagal maglakad?" Inip na tanong niya. Kaya naman ay halos mag-jog na ako palapit sa kaniya. Umismid siya, "tama, bilis na muna ang ipraktis natin. Nawalan na ako ng mood sa kabagalan mo, stupid creature," he uttered.

"Bakit puro stupid ang tawag mo sa 'kin? I have a name." Hindi ko mapigilang saad. Nilingon niya ako at ngumisi.

"Bakit? Stupid ka naman talaga, ah? Oh, baka gusto mo naman ng idiot na lang?" Huminga ako nang malalim at hindi na lang nagkomento pa.

Binuksan niya ang malaking cabinet na parang hindi cabinet dahil nakapasok naman siya. Para na siyang walk-in closet, ang pagkakaiba lang ay mga sandata ang laman no'n. I was so amazed. May iba-ibang klase ng sandata do'n. Alam kong mapanganib 'yon pero ang ganda kasi ng mga desinyo at pagkakaayos. May iba't ibang haba at klase rin ang bawat isa.

"Don't smile like that, idiot. Wala sa mga sandatang 'yan ang gagamitin mo.." Unti-unti iyon na sumara at nawala sa paningin ko ang mga sandata, "ito, oh." Nakangisi niyang saad at inakbayan ang isang..dummy?

Kulay puti 'yun at halos kasing tangkad niya. Kumunot ang noo ko.

"Anong gagawin natin d'yan?" Takhang tanong ko. He grinned and press something on its back. Biglang umilaw ng kulay blue ang mata nito. May pinindot ulit siya at nanlaki ang mata ko nang tumakbo 'yon palapit sa 'kin.

"Run.." He grinned widely. Halos hindi ako makagalaw at pinanood ang paglapit no'n.

"Run now, stupid. He's detecting you now at kapag naabutan ka niya, sasaktan ka. He was built for trainings kaya wag ka na magtakha." Nanlaki ang mata ko at mabilis na kumaripas ng takbo ng muntik na akong malapitan no'n.

Sinubukan ko lumabas ngunit sarado na ang pinto.

"No cheating!" Saad ni Lyndon nang makita ang pagsubok ko na tumakas.

"Ikaw ang madaya! Ang sama mo!" Sigaw ko.

Bigla akong nadapa kahit naman walang bato sa makinis na sahig. Nagsimula na akong mapahikbi at pilit na tumayo. Nakailang ikot na kami at takbo lang ako nang takbo habang hinahabol ako ng dummy.

"Tama na! Pagod na ako!" Nnginginig pa ang boses ko dahil sa pag-iyak. Ayaw ko man umiyak pero naiyak ako sa inis, pagod at takot. Maimagine ko pa lang na mahuli ako ng dummy, susuntukin ako no'n at bubugbugin.

Narinig ko lang ang halakhak niya. Nakita ko na may pinindot siya at halos ngumawa na ako sa pag-iyak nang mas bumilis ang takbo no'n. Nagkandarapa na ako sa sobrang takot at pilit na binilisan ang takbo.

Nanginginig pa ang tuhod ko sa bawat hakbang na ginagawa.

"Run, stupid. Run!" Tila nanunuya niyang saad. Lalo akong napaiyak at hindi na kinaya kaya nadapa ako muli.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon