Chapter 42

179K 5.4K 1.6K
                                    

Her POV

"Aalis lang ako sandali, Eirian. I just need to clarify some things and we are going." Ngumiti sa 'kin si Tita at lumabas ng kwarto. Marahan akong naglakad papunta sa pinto at sinilip ang papalayo niyang pigura.

I heaved a sigh and fixed my hair into ponytail saka lumabas mula sa kwarto. Iniwasan ko na makita ng mga nurse but wala naman problema kung makita nila ako since I already changed my cloth. Malalaki ang hakbang ko na lumabas nang hospital.

Mabilis akong tumago sa gilid nang makita ang limo na susundo sa amin nila Tita para ihatid ako sa Angst Academy. Bumukas ang pinto at lumabas ang lalake na naka-itim na suit at sumulyap sa loob ng hospital, maybe looking for us. Sa may unahan din ay may mga sasakyan pa na may logo ng academy. And I'm sure, those two other cars contain armed men in black suit.

Dahan-dahan akong lumayo and tried hard na hindi ako mahagip ng paningin nila. I walked away from the hospital and look around. I'm sure they are here. At hindi ako nagkamali. Sa may gilid ng building ng hospital ay may isang sasakyan na itim at nakasandal sa labas nito ang dalawang lalake. They are also wearing black suits and shades. Ngunit ang palatandaan ko sa kanila ay ang bakas ng lahing banyaga sa kanilang mukha.

I smirked at mabilis na naglakad patungo sa kanila. Napatayo sila nang tuwid nang makita ako. They lost their composure ngunit agad din na umayos ng tayo at akmang papasok sa sasakyan nila. They are trying to ignore me at nais palabasin na hindi ako ang dahilan kung bakit sila narito. I immediately pulled out the gun that I hid in between my jeans and side of my waist. Nagulat sila sa nakitang hawak ko.

"I don't know exactly why are you here. But I'm sure, it's about me. Now, bring me to your boss. Or I'll shoot the two of you," matigas kong utas at palipat-lipat na itinutok ang baril. The guy who's nearer on me shook his head slowly.

"I'm sorry..." Matigas niyang saad sa wikang Ingles. Halata ang kakaibang accent niya at tunog banyaga iyon nang magmula sa kaniyang dila, "but we can't bring you to him, Madame." Mahinahon niyang saad ngunit walang bakas ng emosyon. Mariin ko siyang tinignan at sinulyapan ang isa pa na nasa kabilang banda ng kotse at nanonood sa amin.

Kung lumaban sila sa akin para protektahan ang sarili, I know it would be easy for them. They are 6 plus in height and their muscular body na alam kong batak at sanay na. But if my conclusion is right, they can't just hurt me.

"Even if I shoot you with this gun?" I asked. He nodded slowly. Umayos ako ng tayo at nilipat ang dulo nito sa sentido ko.

"What about if I shoot myself? Still no?" I asked. I'm just trying my luck here. Alam ko na hindi 'to sigurado. But still, I want to try.

He cleared his throat at nilingon ang kasama. Mabilis ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang sagot nila. They talk shortly using other language that I think is French. I'm not sure.

"Faster. I'm waiting," saad ko. Sumulyap muli sa akin ang lalake na nasa harap ko kaya pinakita ko ang malapit ko ng pagkalabit sa trigger. I watched his chest moved upward— maybe on nervousness, I think. Napailing siya at naglakad papunta sa may backseat at binuksan ang pinto.

Nilahad niya ang kamay na tila iniimbitahan ako na pumasok. I smiled triumphantly and walked towards the limo and entered. Marahan niya iyon na sinara saka mabilis na sumakay at ini-start ang engine.

Unti-unti iyon na umandar at bago makalayo ay tumingin ako sa heavily tinted na bintana at nakita ang men in black mula sa academy na nagkalat at may hinahanap at siguradong ako 'yon. I sighed and leaned my back on the backrest.

"Bring me to him, okay? Don't try to fool me because before you can even do it, I'll know. And I don't mind pulling the trigger while it's directly pointing to me." Hindi sila umimik at tumango lamang ang nasa kanan.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon