Kung sana lang ay magkaibigan ang mga Carlos at Andrada ay baka si Clayven nalang ang ipagkasundo sa akin. Sana nga siya na lang, hindi pa ako mahihirapan ng ganito at madaling mahalin dahil sanay na ako roon.

"Hindi, Cade. Mali ka. Ang totoo ay hindi na siya aalis para sa'yo! Noong araw ng kasal mo ay naroon siya. Doon din siya nag desisyon na umalis na lang ulit."

Napahugot ako ng malalim na hininga sa sinabi ni Lavern.

He was there? The fuck! Hindi ko iyon inaasahan dahil alam kong mas maaga pa lang ay umalis na siya bago ako maikasal sa araw na iyon. Hindi niya rin alam na ikakasal ako, pinili kong hindi sabihin para hindi na siya masaktan.

I shook my head in disbelief.

"I... I don't know." I mumbled. Huminga ako ng napakalalim. "Pero ayos na iyon, wala na. Nangyari na rin ang lahat kaya rito ako magfofocus sa sitwasyon kong mayroon ngayon."

Sobrang sakit, kung alam ko lang na naroon siya ay umatras na ako para sumama sa kanya. We could runaway together, we could've escaped. Pero siguro tadhana na namin iyon, hindi kami para sa isa't isa.

And we won't be happy doing that, if ever. My family will despise me, and his family? I'm not sure, Clarine was supporting everything Clayven want and also Tita Claire. I've known them for years of being friends with Clayven.

Hindi na nagsalita sila Alzhera at Lavern. Napabuntong hininga ako at nagbaba na lamang ng tingin sa alak na nasa aking harapan. Panay ang gala ng tingin ni Lavern sa paligid, si Alzhera naman ay nangingiti pa habang nagtetext.

I guess she's texting with Reidjan Cordóva. Mabuti pa siya ay masaya sa buhay at kuntento, hindi namomroblema sa kanyang mamahalin na tao dahil nagagawa ang mga bagay na kagustuhan.

"Panay ang ngiti mo!" panunuya ni Lavern nang mapansin ito. "Nagpaalam ka ba?"

Sumulyap si Alzhera sa kanya at tumango.

"Oo naman," she said, nilapag ang phone sa lamesa at ininom ang kanyang shot bago nagsalita ulit. "Hindi ako umaalis ng walang paalam sa kanya, no!"

Lavern rolled her eyes.

"May ganoon pa? Tss, kami naman ang kasama mo kaya kahit hindi ka magpaalam."

"Oo nga, pero iba pa rin 'yong nagpapaalam. Wala namang masama kung iupdate ko siya sa mga ginagawa o gagawin ko. Doon din kasi tumitibay ang tiwala." Alzhera said the matter of fact.

Huminga ako ng malalim. Why does this topic brings me pain? Gusto ko ring maramdaman ang ganoong klase ng relasyon, I've never had a boyfriend and now I'm married to someone who hates me.

Hindi ko pa naranasan ang lahat tungkol sa relasyon pero alam ko ang mga bagay na masarap sa pakiramdam kapag nasa isang relasyon, like Alzhera and Reidjan's. They're so faithful to their relationship, walang iba kundi silang dalawa lang. Masaya sila sa ganoong lagay.

Sana pala noong una palang ay ginawa ko na ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin, sana naging masaya na lang ako noon kay Clay kahit na sa huli ay masasaktan din kami, at least I experienced to be happy with someone I loved but I'm not selfish to do that.

Mabilis ang oras, hindi ko namalayan iyon. Alzhera is with Reidjan now, kasama rin niya ang kanyang pinsan na dumating dito. Si Theonoah de Menezes, panay ang asaran nila ni Lavern na ikinakatawa namin.

It feels good to be with these people around, iyong pakiramdam ko'y walang problemang kakaharapin bukas. Iyong pakiramdam na walang magagalit sa akin na kahit sino. Well! Wala naman talaga dahil wala si Minther kaya nakalaya ako ngayong araw!

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Where stories live. Discover now