"Bakit ang sakit? Tangina naman. Ang sakit mo mahalin, Eirian. Ang sakit kasi hindi mo ako magawang mahalin. Mas mahaba naman tayong nagsama, kung tutuusin 'di ba? Pero bakit siya pa rin? Bwiset! Una pa lang alam ko na talo na ako. Wala naman akong laban, e. Sabi nila ang pagmamahal daw dapat hindi naghihintay ng kapalit, e tangina lang. Anong gusto nilang palabasin? Na hindi kita mahal gayong para na akong nababaliw sa saya at sa sakit sa tuwing nakikita ka? Is it my fault that I am dreaming to open my eyes every morning with you? Is it bad that I dream to have children with you? Masama ba 'yon, masama ba? Tangina kasi, dapat akin ka na lang e. Dapat akin ka na lang..." he cried harder. Pinahinga niya ang noo sa akin habang umiiyak. Every teardrops that touched my skin fueled the pain I'm feeling right now.

"This is already our end," he murmured with his hoarse voice. Napamulat ako at naabutan siyang nakapikit. "I can't live seeing you everyday, stupid. Hindi ko kaya, kaya ako na lang ang didistansya. And know what, it's me who's stupid. Not you. I'm so fucking stupid for loving someone that who will never love me back. But can you blame me? Can you blame me for loving you? Hindi ko naman kasi ginusto 'yon, nakakagago. Hindi ko ginusto 'yon. It's your fault for being so lovely! It is your fault for being you that made me fall," he added. Minulat niya ang mga mata. And again, those amber eyes caught my attention.

"Tangina, mahal talaga kita." Umalpas muli ang luha niya. Hindi ko nakita ang tuluyang pagkahulog noon nang lumapat ang kaniyang labi sa 'kin. I was frozen on my spot while he's kissing me gently. Sa bawat hagod ng kaniyang labi ay tila patalim na paulit-ulit na tumusok sa aking puso para paulit-ulit itong paduguin at saktan.

"Goodbye," he murmured when he stopped. Sandali muna niya akong tinitigan bago mabilis na tumakbo paalis. Paalis na rin sa buhay ko. And I was lost again. Napahawak ako sa aking dibdib at mariin na napapikit. It's like another death. Nawala na naman sa 'kin ang isang tao. I lost a brother, a dear friend... a bestfriend.

At napagtanto ko na nagtagumpay si Lyndon. He really hurt me as hell. Katulad ng plano niya at layunin kaya niya iyon sinabi. I was left under the tree, in deep pain, while the cold wind embraced me like it's comforting me.

Sama-sama kaming kumain para sa gabihan. I was lost with my thoughts. Tahimik lamang sila Sunshine at Clarence, pati na rin ang kambal, marahil napansin na hindi ako umiimik. I sighed and stared on my foods. Ang bigat na naman ng pakiramdam ko. Bakit ba gustong-gusto ng tadhana na masaktan ako?

Greg came. Agad na dumapo ang kaniyang mata sa 'kin. Tila tinatantiya niya ang aking ekspresyon. He sat beside me at inilapag ang tray niya sa mesa. He must know something is off since he didn't talk that much. Ramdam ko ang mga titig niya sa 'kin. Ngunit masyado pang sariwa sa akin ang nangyari kanina kaya wala ako sa mood.

"Bye Eirian, bye Dieu." Nagpaalam sa 'min sila Sunshine. Kasunod ay sila Hendrix at Hendrei. Gusto pa sana ako lapitan nito ngunit nang mapatingin sila sa tabi ko ay nagpaalam na lamang sila.

"Kitten.." He murmured. Ibinaba ko ang hawak na kubyertos at sinulyapan siya. He's staring at me. Umangat ang kaniyang kamay at hinaplos ang aking mukha. Gamit ang dulo ng daliri ay hinaplos niya ang ilalim ng aking mata.

"Your eyes are puffy," he murmured. His finger trailed down and stopped on my lips. Matagal siyang nakatitig doon hanggang sa nagtagis ang kaniyang bagang, "and your lips are swollen." He said in a slow and dark tone. Yumuko ako para umiwas ng tingin mula sa kaniyang mga madidilim na mata. I stared on my empty tray.

"Well," I started. Napalunok ako at muling kinabahan. Should I say it to him? At bakit nga ba ako mag-aalangan. We shouldn't hide anything from each other. "Lyndon kissed me." I confessed. Narinig ko ang marahas niyang paghinga. I sighed and closed my eyes.

"Please don't be mad about it. Or atleast not now, please? Can you do that, Greg?" I almost begged. His face softened.

"Problem, baby? Tell it to me. I can almost feel your heavy heart."

Angst Academy: His QueenWhere stories live. Discover now