"I said, no." he answered with finality.

Suminghap ako.

"Hindi naman yata pwede iyon, Minther. May sarili rin akong pangarap sa buhay at gusto kong makapagtapos ng kolehiyo!" may inis ngunit mahinahon kong sinabi.

Bakit kailangan niya akong pigilan? Bakit kailangan niyang pakealaman ang mga kagustuhan ko? Maiintindihan ko pa kung humiling ako para sa hindi mabuting gawain, but I'm asking for my goal!

Masama ba iyon? Hindi ko siya maintindihan pero nasasaktan ako sa lahat, nawalan ako bigla ng freedom. Nawalan ako ng kalayaang magdesisyon para sa aking sarili.

His dark eyebrows were almost close to each other, hindi ko halos makita ang kanyang mga mata dahil sa sobrang salubong noon ngunit hindi na kailangang tiyakin pa dahil alam mo nang nagbabaga iyon.

He licked his lower lip that turned redder this time and clenched his jaw.

"Kaya nga ako nag-aaral 'di ba? I can provide everything you need, everything we'll be needed in the future! I'll graduate for my future family, I will work for us..." he said marked with finality.

Nalaglag ang panga ko habang nakatitig sa kanya.

Everything he just said is damn unreasonable and... all lies! Oo nga't makakapagtapos siya, pero hindi naman sigurado na kami na hanggang huli! Walang makakapagsabi kung mananatili siya o ako sa isa't isa.

Because this world is full of temporary people! There's no forever exist, we will all die!

Ngayon pa nga lang ay umaayaw na ako, paano pa sa mga susunod na araw, linggo, buwan o taon kung aabutin man? Paano? Hindi ako naniniwalang kami hanggang huli.

I just can't believe that, because there's no love involved between us, there will never be involved such thing!

If there's involved? That thing is hate, our hate for each other! He hates me, I hate him! I loathe him! We hate each other being married, being trapped in this arrangement.

"Hindi ganoon iyon, Minther! Alam kong makakapagtapos ka, pero paano ako-"

His brow shot up making me shut my mouth.

"Bakit, nasa plano mo ba ang makipaghiwalay?" hamon niya.

Namilog ang mga mata ko, pakiramdam ko'y wala na akong maisagot roon. Hindi ko alam ang tamang isagot, mahirap magsalita ng tapos lalo na sa ganitong kasunduan lamang.

But I want to study and graduate, that's my goal since I was a kid. Pinangako kong magtatapos ako pagtapos ay hahadlangan niya iyon?

Paano ako kung ganoon? Ako ang kawawa dahil hindi ako nakapagtapos at walang alam sa buhay, samantalang siya'y nagtapos?

Huminga ako ng malalim, ramdam ko ang pag-iinit ng paligid ng aking mga mata dahil sa kawalan ng pag-asa. Dahil sa kalungkutan na wala akong sariling desisyon.

I looked at Lola Evangelina for some help, hindi mabasa ang nasa ekspresyon pero nakikita ko ang hindi pagsang-ayon sa kagustuhan ng apo ngunit wala lang magawa.

"But I want to study, sabi ni Daddy ay mag-aaral ako pagkatapos nating maikasal. Huwag mo namang hadlangan iyon!" I said hopelessly.

Umigting ang kanyang panga.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Where stories live. Discover now