"Hija, I noticed your weight loss. Hindi ka ba kumakain ng maayos kapag wala kami rito? You should start eating healthier, hindi magandang makita kang pumayat sa aming puder..."

Napatigil ako saglit sa aking pagkain upang sulyapan si Lola Evangelina, simple akong tumingin sa aking braso para tiyakin ang kanyang napuna na hindi ko naman napapansin.

Ngumiti ako.

"Ayos lang naman po ako rito, nakakakain ako ng maayos parati. Mabilis lang ho, talaga akong pumayat."

"You're having diet?" malamig na tanong ni Minther. Sumulyap ako sa kanya pero hindi sumagot. "For what? Bakit kailangan mong magbawas ng timbang?"

Malamig man ang kanyang boses ay bakas roon ang pagsususpetsa at iritasyon. Hindi ko alam kung bakit laging mainit ang kanyang ulo pagdating sa akin, kahit wala naman akong ginagawa kundi ang manahimik.

"Hindi ako nagda-diet." kalmado kong sagot.

Siya nga hindi ko pinapakealaman sa mga gawain niya, kung nasa Maynila siya'y hindi ko rin naman minomonitor ang kanyang mga gawain roon, ah? Sa totoo lang ay wala akong pake sa lahat ng kanyang gawin, sana nga ay ganoon rin siya.

Humalakhak ang matanda, tinapos ang kanyang pagkain at nagpunas ng table napkin sa labi.

"Lyle, alagaan mo ang iyong asawa para hindi magbawas ng timbang. Mabuti na iyong malaman siya kapag magbuntis."

Nasamid ako, I immediately sipped on my glass of water and apologetically looked at Lola Evangelina. Hindi naman nawala ang ngiti sa kanyang labi.

What the hell? Magbuntis? Wala sa usapan ang maaga kong pagbubuntis! Hindi ako papayag, I still treasure my innocence and sacredness.

Hindi ako magpapaubaya sa ganitong kasunduan lamang lalo na kung si Minther pa ang magiging ama ng dadalhin ko. That's a damn bluff!

"Ayos ka lang, Cadence?" she asked. Tumango lamang ako at ngumiti, pinigilan muli ang maubo.

"Ayos lang, po."

"Nabigla ka ata sa nasabi ko, hija." she said. "Sa tingin ko ay hindi ka pa handa, kung ganoon?"

Kumurap-kurap ako, my cheeks were burning in embarassment. Sobrang init ng pisngi ko sa napiling pag-usapan ng matanda.

"Hindi pa po ako handa sa mga ganoong bagay. Gusto ko pang matapos ang aking natitirang taon sa kolehiyo. Kung pupwede."

Her face brightened. "That's a good decision, Cadence. Importante talaga ang iyong pag-aaral bago maging isang ina, hindi ba, Lyle?" tumawa siya at bumaling kay Minther.

I caught Minther's eyes on fire, umigting ang kanyang panga. Mabilis ang naging epekto noon sa dibdib ko, iniwas ko ang aking mata kasabay ng kanyang pagsagot.

"No,"

Kumunot ang noo ko, nawala rin ang ngiti sa labi ng matanda ng sabihin niya iyon. She looked surprised. Miski ako ay ganoon ang reaksyon.

"Bakit naman?" hindi ko napigilan ang magtanong na may halong iritasyon.

Binaba niya ang kanyang kubyertos, huminga siya ng malalim habang nagpupunas ng labi. Mula sa kanyang pinggan ay umangat ang tingin muli sa akin, nagbabaga at iritado.

Kumurap-kurap ako.

Seriously? May problema ba siya sa mundo? Parang ayaw niyang nag exist ako sa mundong ibabaw, e. Probably, he was born to hate me and I was, too. Pero hindi naman kagaya ng kanya na bawat galaw ko'y ikinagagalit na.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Where stories live. Discover now