Pinanood ko ang papalayo niyang bulto at habang nawawala siya sa paningin ko ay nagbabagsakan ang mga nabasag na piraso ng puso ko. Huminga ako nang malalim at muling humugot ng lakas ngunit nag-unahan sa paglaglag ang mga butil ng luha mula sa mata ko.

Ang malaman na sinabi ni Greg ang nangyari noon sa amin kay Adela ay napakasakit. Hindi ko 'yon inakala. How can he share it to Adela? Hindi niya iyon magagawa or else, he really loves her to the core. Sa akin nga, wala siya masyadong naikwento sa buhay niya, but to Adela, she knew about us.

Pinahid ko ang luha na nag-uunahan sa pagtakas. And the last sentence that Adela said hurts me. Masakit sa dibdib, para akong pinipiga sa sakit. Yes, we kissed. Pero ang isipin na may hinalikan siyang ibang babae ay sobrang pagkawasak ng puso ko. I can't imagine myself with other guy, kissing him and having him for the rest of my life. It's just him that I want. It's only Greg.

Pero lumipas ang isang taon, marami na siguro talagang nagbago. Ang parte lamang na sinabi ni Adela na hindi ako minahal ni Greg ang bahagya kong hindi pinapaniwalaan. I can remember what he said to me on my debut, when we danced. Natuto na ako ng French and it's still clear on my mind that he said, Je'taime to me. It means I love you.

Pero paano kung biro lang iyon at hindi totoo. But why he said it on the other language? I should really stop overthinking. Dahil sa pag-overthink, nabubuo ang doubt. Doubt that can destroy someone, something and anything.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad nang may mabigat na pakiramdam. Naninirahan na siguro ang sakit sa dibdib ko. Hindi na 'to mawawala. It will stay on my heart forever at swerte ko na lang kung may darating pang tao para pawiin ito. But honestly, si Greg ang gusto ko na mag-alis ng sakit na 'to.

I sighed once again and head my way to our building. Napaawang ang labi ko nang makita kung sino ang nasa entrada ng building. Our eyes met and mixed emotions distracted me. Nabigla rin siya nang makita ako, kapagkuwan ay alanganin siyang ngumiti.

"Eirian," tawag niya. Tumango ako at humakbang hanggang sa magkaharapan na kami.

"Elene." Finally, I uttered. I almost saw her eyes twinkled when I called her name.

Hindi kami pumasok sa building. Dumiretso kami sa may garden kung saan tahimik at pwedeng tambayan. Umupo kami sa isang bench at mauupuan pa ng tatlong tao ang pagitan namin. Awkwardness filled the air. Maging ako ay hindi ko alam ang dapat na sabihin at kung ano ang dapat ko na kilos sa harap niya.

Everything is still clear for me. How our friendship started and ended in a snap. Mahirap bumuo ng isang bagay, pero ang pagsira nito ay tila isang kisapmata. It still saddens me. The fact that our friendship was ruined.

"Kailan ka pa narito?" Tanong ko bilang pagbasag sa katahimikan. I heard her cleared her throat. Naramdaman ko pa ang pagsulyap niya sa akin.

"Ilang araw pa lang ako rito. Five days ago, I came back," she uttered. Tumango ako at binilang sa isip kung ilang araw na ang lumipas simula nang kami ni Lyndon ang bumalik. It is also five days ago.

At sa loob ng limang araw na 'yon ay maraming nangyari. Heartaches, disappointment and... threat. Napalingon ako kay Elene at pinagmasdan siya nang maigi.

Mahaba na ang kaniyang buhok pero wala pa ring halos nagbago sa kaniya maliban sa mas numipis ang kaniyang katawan. Malalim pa rin ang kaniyang mga mata at mapilantik ang mga pilik-mata. I can't really moved on from the thought na may pagkakahawig siya sa kumakalat na imahe ni Mama Mary.

"Five days ago?" I asked. She nodded.

Matagal akong tumitig sa kaniya at inanalisa ang lahat. Ngunit agad din na umiling. It can't be, again.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon