Nakita ko siya na galing sa direksyon ng Headmaster's office. He's just walking straightly with his hands on this pockets. Napangiti ako at bumuntot sa kaniya. If this is the way to make sure that he's safe, I'll do it. I will do everything, kahit magmukha pa akong tanga.

Pinanood ko ang bawat hakbang niya. His chiseled back na halatang-halata dahil sa fitted na shirt ang suot niya. He's not wearing a leather jacket na madalas niyang ipinapatong sa v-neck shirt. Sa pagsunod sa kaniya, napagtanto ko na hospital ng academy ang tinatahak namin. Maybe he will visit Georgiette.

Bago pa kami makapasok nang tuluyan sa building ng hospital ay tumigil siya sa entrada nito. Kumunot ang noo ko at tumigil din. Pinanood ko ang pagpasada ng kaniyang daliri sa makapal at itim na itim niyang mga buhok.

Huli na para magtago nang umikot siya para harapin ako. Natulos lamang ako sa kinatatayuan habang siya ay matiim na nakatitig sa akin. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang tuhod ko sa mga nakakatunaw niyang mga mata. I gulped and smiled awkwardly.

"Ay! Ikaw pala 'yan Greg!" I muttered. Hindi dapat niya malaman na sinusundan ko siya. Uminit ang aking pisngi habang nakatitig sa 'kin. Hindi naman halata na sinusundan ko siya, 'di ba?

"What are you doing here?" His thick brow arched and his arms crossed in front of his chest like he's waiting for my answer. Binasa ko ang labi at tumingin sa paligid. Kapagkuwan ay napakamot sa ulo.

"Hindi kita sinusundan, ah!" Hilaw akong napatawa at tinuro ang hospital. "Pupunta kasi ako diyan. Pero hindi kita sinusundan so don't assume that you're the reason why I am here because no!"

"Why are you shouting?" Mabilis kong tinakpan ang bibig at umiling. Tinanggal ko rin para sumagot.

"Hindi, ah. Nagpapaliwanag lang ako, master," marahan kong sagot. Muling tumaas ang kilay niya at humakbang palapit sa akin. Pinigil kong mapaatras sa bawat hakbang na ginagawa niya.

He stopped few inches away from me. Nalanghap ko ang natural niyang bango kahalo ang isang pabango. Napakurap ako at tiningala siya. Samantalang siya naman ay nakadungaw sa akin habang mariin na magkalapat ang mga labi.

"Master?" He asked, "what do you mean by that?" He added. I cleared my throat.

"Uh, remember? I— I am your esclave.." I murmured. Suminghap siya at tumango.

"Ah, that. Okay." Tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad. Agad akong humabol sa kaniya at hinila ang laylayan ng kaniyang shirt.

"Okay? What do you mean by that?" I asked. Sinulyapan niya ako ngunit patuloy pa rin siya sa paglalakad. At ako naman patuloy sa paghawak sa damit niya.

"Okay. You will resume being my esclave. And it's good that you still remember your duty," saad niya. Huminto kami sa harap ng kwarto ni Georgiette. Hinarap niya ako at muling dumungaw sa akin.

"So from now on, you're my esclave. I am your master. It should be me and you. Just the two of us." Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Samantalang ako ay napatulala lang sa kaniya at hindi namalayan na nakapasok na pala siya sa loob.

Nang matauhan ay napakurap ako at sumunod sa loob. Naabutan kong nakaupo si Georgiette sa kama samantalang si Greg ay nakatayo sa gilid habang nakatingin sa kapatid. Nakabusangot si Lovi at hindi pinapansin si Greg na mukhang napipikon na.

"Hindi mo pa rin ako kakausapin?" May himig ng inis na saad ni Greg. Georgiette rolled her eyes at nagsalubong ang tingin namin. Her eyes lightened up and smiled widely.

"Eirian!" She shouted. Kapagkuwan ay napahawak sa tiyan. Greg 'tsk-ed' at napakamot sa ulo. Akmang hahawakan niya si Georgiette pero pumalag ito at sinamaan siya ng tingin.

Angst Academy: His QueenWhere stories live. Discover now