Walong taon at limang buwan..

61 1 0
                                    

"*Aah.. Sya ang.."

"Ano Riya? Nagka-amnesia ka ba?"

Lumapit si Giko at tinapik ako sa balikat.

"Nagka-amnesia ka? Edi kapag sinabi kong kasintahan mo ko, maniniwala ka?"

"Giko, kumpleto ang alaala ko.."

"O, eh bakit di mo masabi kung sino sya?"

"*Kasi.. Sya aang.."

Nakapagdesisyon na ko. Sasabihin ko ang totoo. Marami pang mga Pilipino riyan. Pero sya.. Sya..

"*Sya ang-"

"*Ako ang nag-ampon sa kanya.. Bukod don, wala na kaming ibang relasyon."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"*Aah.. Mukang naiintindihan ko na.. Sinamahan mo tong ampon mo para humanap ng ka-anak dito samin, tama ba?"

"*M.. Ganon na nga."

Nakatingin lang ako sa kanya. Tumingin sya sakin nang nakangiti.

"Yuyaa.."

Binulong ko sa kanya ang pangalan nya. Hindi ko alam pano ang itutugon sa ginawa nya. Nakakagulat. Panong naintindihan nya agad ang sitwasyon ko?

At panong ngumiti sya sakin nang ganon na para bang napakadaling itago ng relasyon namin..

Matapos non, na-upo kami at nagkwentuhan ni Giko.

"Ibig sabihin wala ka pang kasintahan ng lagay na yan?"

"Giko.. Ang totoo nyan, may nagugustuhan na kasi ako.."

[ GIKO ]

Parang may tumusok na kung ano bigla sa dibdib ko. Ano ba to?

Nasa isip ko ngayon, sana tumalon na lang ako sa rumaragasang baha noon, sana tinuluyan ko na lang ang buhay ko noon kung ganito lang din naman ang mangyayari.

"Giko? Bakit? May masakit ba sayo? Bakit ganyan ang muka mo?"

"Hindi.. Wala."

Natahimik ako't nahirapan na magsalita.

"Ano? Akala ko ba marami kang ikukwento?"

"Wala.. Wala kong ikukwento.."

"Hah?"

"Wala na kong gana."

Humina ang boses.

"Hoy!"

[ RIYA ]

Lumakad sya't iniwan ako.

"Uy.. Riya, totoo ba yon? May nagugustuhan ka na?"

Lumapit yung isa nilang kasama at binulong ang tanong na yon. Tumingin ako kay Yuya, nasa gilid, nakatingin lang dito't pinapanood lang ako mula sa malayo.

"mm.. Gustong gusto ko sya."

Saka inilayo ang tingin.

"Ay nako! Totopakin na naman yong si Giko! Tsk!"

"Ah?"

"Alam mo bang walang ibang bukambibig yon kundi ~ang babaeng nagbigay sakin ng pulserass.. Kailangan ko syang makitaaa.. Kailangan ko syang makitaaaa.. Babaeng nagbigay ng pulseraaass.. Ay! Paulit-ulit!"

"Hinahanap nya ko?"

"Oo! Kulang na lang kainin nya yung pulseras, i-tae, at kainin ulit, kakahanap sayo."

"Paulit-ulit nyang binabanggit samin ang itsura mo.. Pero di ko akalaing ganyan ka ka-ganda."

Nagpatuloy at talagang di-matapos- tapos ang kwentuhan namin. Hanggang sa humantong ang kwentuhan sa..

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin