Ang UTOS AY UBUSIN LAHAT NG PILIPINO..

121 4 0
                                    

01-31-14

"*Alam mo ba kung anong ginawa mo??!!!! Hindi ka na naman dumalo ng interview mo! Para lang mag-galaaa!!! Talaga bang wala ng halaga sayo trabaho mooo??!!"

"*Baka naman nagkamali lang ang mga fans.. Di ako yon.."

Pinapagalitan na naman sya ng Manager nya. Hawak ang Telepono, ang layo ng hinawakan sa tainga sa lakas ng sigaw ng Manager. Pati tuloy ako nakakarinig..

"*Hai.. hai.."

Problemadong problemado yung muka nya. May lakad pala sya kahapon, pero ang sabi nya sakin wala. Imbis na sumipot doon, nag-gala lang kami kahapon..

Pagkababa ng Telepono, tumunog na naman..

"*Hai?"

"*Bakit?"

"*Totoo ba yon? May dine-date ka na daw?"

"*Pasensya na, abala ko.."

Binaba ang Telepono.. At..

"*Moshi-moshi?"

Tumunog na naman..

"*Oy! Tegoshi! Nabalitaan ko yung-"

"*Pasensya na, marami pa kong gaawin."

Binaba. Tumunog na naman..

"*Asar!"

Kaya binunot nya lang ang sakit ng Telepono.

"*Hello?"

Cellphone naman ang kinuha..

"*Oo.. Oo.. Ok! Salamat!"

Pinapanood ko lang sya..

"*Ai-chan.."

"Hai?"

"*Magbihis ka, aalis tayo.."

"Ah?"

May interview pala sya ngayon. At isasama nya ko? Para saan naman kaya?

"*Handa ka na? Lalabas ka na sa Tv."

"*HAH?!! sa tv?!! Teka! Anong gagawin ko don??!"

"*Kalmaa.. Tatanungin ka lang nila tapos sasagot ka.."

At sa harap ng Kamera..

"*Gaano katagal na mula nung kinuha mo sya?"

"*Isang bwan na mahigit."

"*Anong balak mong mangyari?"

"*Mag-aaral sya.. At magkakaron ng sariling trabaho dito sa Japan. Susuportahan ko sya kahit anong gusto nya."

"*Balita ko bumili ka pa daw ng bahay para sa inyong dalawa?"

"*Ah, oo. Bumili ako para makatukong sa kanyang mawala ang troma nya."

"*Yon din ba ang dahilan kung bakit maraming nakakakita sa inyong madalas na nag-de-date?"

"*Ah? Hindi! Hindi! .. Hindi kami nag-de-date. Basta pinapasyal ko sya madalas para rin makatulong sa kanya."

"*Maraming kumakalat na balita na may relasyon na daw kayong dalawa?"

Ang daming nakapalibot na kamera.

Nakakasilaw kahit nasa likod lang ako.

"*Maaari ba natin syang kausapin?"

Pero tumanggi akong humarap sa kamera.

"*Ayoko na rin munang ipakita sya sa publiko. Gusto ko kasi, hangga't maaari, hindi sya guluhin ng tao."

Tumagal ang interview ng mahigit sa sampung minuto. At..

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Where stories live. Discover now