"*A-ano?!! Mangingielam ka na naman?!!*"

34 2 0
                                    

"*Doktoooor!!! Doktoor!! Kailangan namin ng tulong nyoo!!! Pakiusaap!! Kayo nagsabi diba??! Ikamamatay nya kapag di sya nagamot kaagad!!"

Halos lumuhod sa harap ko ang matandang babae. Kulang na lang ay humalik sya sa paa ko kakapag-makaawa.

"*Pasensya po.. Pero kung wala kayong pera pambili, wala tayong magagawa. Lumapit na lang kayo sa Gobyerno at sila na ang bahala sa inyo.."

Hindi talaga yon ang gusto kong sabhin. Pero yun ang kailangan dahil nakatingin sakin ang Amo mula sa malayo at binabantayan ako..

"*Doktooor!!! Doktooor!!!!"

Umalis ako pero humahabol pa rin ang matanda.

"*Lalapitan ko ang amo nyo!! Lalapit ako sa kanya! Dalhin mo ko sa kanya parang awa mo naa!! Kakausapin ko sya!! "

"*Hindi ka ba nakakaintindi?!!!"

Tinaas ko na ang tono ko.

"*Walang maitutulong ang Ospital sa inyo kung wala kayong pera!! Gobyerno lang ang malalapitan nyo at hindi Ospital!!"

Minabuti ko nang takutin sya ng ganon. Nakakatakot na baka masaktan pa sya ng Amo ko kung doon sya lalapit.

( date written: 02-10-14 )

"*Doktooor!! Doktoor!!! Alam kong mabuti kang tao!! Matutulungan mo ko!! Marami ka nang tinulungan noon hindi ba?!!"

"*Umalis ka naaa!!! Umalis ka na bago pa kita kaladkarin dito palabas!!! Ngayon na!!"

Pwersahan ko syang tinayo at inalis sa Ospital..

[ RIYA ]

Malalim ang iniisip ng Doktor mula pa kanina. Para bang may mga alaalang bumibisita sa kanya ngayon. Minabuti ko na lang na wag na muna syang istorbohin para makapagpahinga na rin sya. Bumalik ako sa kwarto pero bago makabalik ng iniisa-isa kong pagmasdan lahat ng kasamahan kung nasugatan.

"*Ako na bahala sa gastos."

"*Ah!"

Nagulat ako ng bigla syang sumulpot sa likod ko.

"Yuyaa.."

"*Bakit ka lumabas? Mahina ka pa"

"*Gagamitin ko na lang yung kinita ko sa nakaraang album ko. Kapag di kasya, gagamitin ko na ang ipon ko.."

"*Nadamay ka na lang ikaw pa gagastos? Hindi.. Magpahinga ka na lang.."

"*Marami akong pera, walang dapat ikabahala don.."

"*Marami ka pang ibang paggagastusan ng marami mong pera. Sige na, magpahinga ka na.."

"*Isa ka sa mga gagastusan ko ng pera ko. At hangga't maari, sayo ko lang gagastusin lahat ng meron ako.Kaya ako na magbabayad ng lahat ng gastusin dito. At hindi ako magpapahinga hangga't di kita nakikitang magpahinga.."

Saka nya ko binalik sa kwarto ko at doon na kami nagpahinga..

[ DOKTOR ]

"*Pakiuuusaaap!! Doktooor!!!"

Hinila ko palabas ang matanda hanggang dito sa kalsada na malayo na sa Ospital..

"*Doktooor!! Doktoor!! Wala na kaming ibang malalapitan! Ito lang ang Ospital na kaya naming puntahan!!.. Mamamatay ang anak koo!! Ang anaak kooo!!"

Patuloy ko pa rin syang hinihila palayo ng palayo..

"*Wala na kaming ibang mapagkukunan ng pera!! Talaga bang wala na kayong pakielam ngayon sa tao?!!"

"*Ssshh.."

Senyas na wag maingay..

"*Makinig kayo sa sasabihin ko.. Hihinaan ko lang.."

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Where stories live. Discover now