TWO WORLDS COLLIDE..

87 1 0
                                    

"Saan?"

Itinuro nya ang tinutukoy na babae. Nang biglang-

[ OSIN ]

"*Kapitan!"

Habang nagpapahinga ko.

"*Pinapatawag ka ng Prime Minister sa kanila mismong tirahan!"

Minsan lang mangyaring magpatawag ang Pangulo sa mismong tahanan niya. Kaya nagmadali akong pumunta, at pagdating don..

"*Ah- Heneral!"

Saludo agad. Nandito rin pala ang Heneral.

"*Ang tagal mo.. Kanina ka pa hinihintay.."

Binigyan ako ng upuan. Una munang sumaludo sa Pangulo saka umupo.

"*Para saan ito?"

Tanong ko agad.

"*Wala naman.. Wag ka kabahan.. Gusto ka lang namin yayain ng Tatay mo na maghapunan dito.. Pwede ba?"

"*Hapunan?"

Tumingin ako sa Heneral.

"*Bakit hindi? Minsan lang to.."

Pumayag na rin ako sa alok. At kinahapunan..

"*Nasaan na sya?"

Tanong ng Pangulo sa asawa nya matapos nitong umupo sa tabi ng asawa.

"*Nandito na .."

Pumasok sa hapag kainan ang isang napaka-gandang babae. Sa itsura nya, hindi maitatangging Nurse sya. Tulak-tulak nya wheelchair na sakay ang..

"*Kumusta anak?"

Oo nga pala.. Muntik ko na malimutan. Ang nag iisang anak ng Presidente ay isang lalaking nasa edad ko rin na may karamdaman sa pag iisip. Hindi naman ito baliw, pero yon ang tingin ng iba dahil sa kilos nya. Ang karamdaman na yon ang pumipigil sa utak nya na magsalita, gumalaw ng maayos at kumontrol ng kilos. Ang mga kamay ay baliko at kung saan-saan napupunta. Ang mga paa'y piki na hindi nakakalakad, payat na mga buto at mistulang gulay ang katawan. Tumutulo ang laway nya na di nya namamalayan. Napakahirap pasanin ng sakit nya. Pero buti na lang..

"*Ako na.."

Pinunasan ng Nurse nya ang dumi nya sa muka..

"*Ngayon ka lang ba nakakita ng may sakit?"

Tanong ng Heneral. Titig na titig kasi ako.

"*Sino sila?"

"*Ang anak ko.. Si Shoku at ang personal Nurse nya, si Fara.."

"*Fara?"

Tinignan ko.. Ngayon ko lang nahalatang Pilipina sya. Nag umpisa na ang hapunan. Pinaabot sakin ang Pasasalamat ng Pangulo sa itinulong ng mga Pilipino sa nangyaring kaguluhan.

At isa pa sa napagkakwentuhan..

"*Yun na nga ang inaalala ko. Kapag kasi sa ibang tao, ayaw na ayaw magpaalaga nyan. Halos kada tatlong araw, nagiiba- iba ang Nurse na nag aalaga sa kanya dati. Ito lang ang Nurse na nagustuhan nya at nakakapagtiyaga sa kanya."

At biglaan..

"*GWAAAAAAAAHHH!!! WAAAAAAAAAAAHH!!!!"

Bigla biglang nagwala ang may sakit.

"*WWGGRRRAAAAAAAAHHH!!!!"

Natapon ang mga pagkain sa lamesa. Agad na niligpit ng Nurse nya.

"*Pasensya na.. Mauuna na kami.."

Saka sya inalis..

"*Buti at nakakita kayo ng permanenteng mag-aalaga sa kanya."

"*Hindi naman kami ang nakakita.. Ang anak ko mismo.."

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora