Buhay ang nasa hukay, buhay din ba ang isasakripisyo?

70 1 0
                                    

"Anoong.. ibig mong.."

"Gusto kita.. Noon pa.. At nakilala ko si Mikar, dahil sa kakasilip ko sa kwarto mo, nahuli kong umaakyat papasok ang kaibigan mo.. Kaya pinili kong sa kanya na lang makipagkaibigan.. Hindi ko akalain na ganon ko sya kadaling maaakit. At para lang makita kita ng malapitan, na hinintay kong mangyari sa loob ng sampung taon, nakipagkasundo ako kay Mikar na papayag akong maging nobya nya. Kung ipapakilala nya ko sayo.."

"Hindi koo.. Naiin.. tin..dihan.."

"Malalim ang pagtingin sakin ni Mikar. Kaya sobrang nasaktan sya nung inamin kong ikaw talaga ang gusto kong makasama. Nagtago sya ng mga ilang linggo. Pero nagpakita rin sakin, at nakiusap na pumayag akong maging nobya nya. Kapalit ay ipapakilala nya ko sayo.. Naiintindihan mo na ba?"

"Ba- bakit.. Bakit ganon?.."

Hinalikan ako ni Fansha..

"Pakiusap.. Gusto kong gumaling ka. Kaya mananatili akong nobya ni Mikar hanggang sa matulungan ka nyang gumaling.."

"Hindi.. Hindi pwede.. Ka-kaibigan ko si Mikar.."

"Ssshh.. Sssh.. Alam ko.. Alam ko.. At alam nya rin yon.. Kaya kahit may sama sya ng loob sayo, pinili nya pa ring tulungan ka.. Nagpapakahirap sya sa pag-aaral. Para sayo.. Kasi nga kaibigan mo sya.."

Sumunod na araw, dito ko na ibibuhos lahat ng lakas ko.

"Mikar.."

Bumangon ako. Habang nagbabasa sya ng libro.

"Ano yon? Pinipilit mo na namang bumangon."

"Hindi ko sya.. i.. nagaw sa.. yo.."

"Alam ko.."

"Pero .. ikaw-"

"Ayos lang. Marami pang iba dyan. Maghahanap ako yung para sakin talaga."

"Sigurado ka..? A.. yos lang..?"

"Syempre hindi. Mahal ko sya eh.."

"Patawad.."

"Hayaan mo na.. Oh."

"Ano yan?"

May tinuturok sya sakin..

"Sa susunod na apat na oras ang epekto nyan. Kapag may naramdaman kang kakaiba tumawag ka agad."

Itong mga panahon kasi na 'to, tapos na ng kolehiyo si Mikar at nagdodoktor na. Malamang isa na to sa produkto ng pag aaral nya.

[ RIYA ]

Hindi pa kilala ang virus na ito sa Japan. Pinaghihinalaan na nagsimula ang sakit sa bansang Pilipinas. Dahil walang malay ngayon ang bansa, hindi makakuha ng impormasyon kaya hirap ngayon ang Japan. Pinag aaralan na ito noon pa, pero hanggang ngayon, hirap pa rin silang kumuha ng solusyon. Kaya walang Ospital sa malapit ang makakatulong ngayon.

At ngayon..

"Sumusugod na ang mga tao sa Ospital!! Lahat sila! Lahat sila iisa lang ang sintomas!!"

Biglaan. Nagka-ingay sa Ospital.

Naghihiyawan ang mga tao. Nanghihingi ng tulong..

Posible nga na virus ang sakit.

"Doktor!! Doktor!!"

Nakaupo lang ito sa sulok..

"Doktor!!"

"Tama naaaa!!!!"

Nagulat ako sa biglang pagsigaw nito.

"Hindi ko kaya.. Hindi ko kayaa.."

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Where stories live. Discover now