Naghihintay sa hindi na darating..

43 2 0
                                    

02-17-14

Tuloy ang takbo ng sasakyan.

"Takbooo!!!"

Mas tumutulin ang takbo ni Giko papunta doon sa tatlo.

"*Sandalii!!! Sandali laaang!!! Tao kamiii!!!!"

Sigaw ng isa habang pilit syang hinahabol ng sasakyan para bungguin.

"*Wag na kayong magsalitaaa!!! Takboo naaa!!!"

Sigaw ni Giko. Malapit na sya sa kinaroroonan ng tatlo.

Pero hindi tumitigil ang sasakyan. Hindi malinaw kung sino ang nagpapatakbo nito dahil madilim. Tuloy sa pagtakbo at pag iwas ng tatlo sa sasakyan.

"Gikoooo!!! Tuuuloooong!!!"

"GGGRRRAAAAAAAAAAHHHKKK!!!!"

Isang malakas na namimilipit na sigaw. Hindi namin alam ang gagawin pero tumakbo kami para-

"Takboo naaa!!! Sa gubaaat!!! Sa gubaaatt!!!"

Tagalog ang salita para sila lang ang makaintindi ng sigaw ko. Agad kinuha ni Giko ang kasama namin na inipit ang paa. Binunggo ito at sumalya sa puno. Saka inipit ang paa habang nakatayo. Iniliko ang sasakyan para bungguin ang iba pang tumatakbo. Dito na kinuha at binuhat ni Giko ang nabunggo. Agad namang sumunod sa sigaw ko ang iba pa, at nagsitakbo ang lahat sa gubat.

"Walang titigiil!!! Takbo !!! "

Kahit saang direksyon na. Nagkahiwahiwalay kami. Basta takbo nang takbo kahit napakadilim sa gubat. Sa pagtakbo namin, dinig pa ang makina ng mga sasakyan. Ibig sabihin lang ay marami pang kasunod ang isang sasakyan. Nakakarinig na ng mga yabag ng takbo. Marami nang humahabol samin. Pero pabor pa rin samin ang sitwasyon, dahil madilim at bilang lang ang mga ilaw sa kalsada, mas sanay kami tumakbo sa dilim kaysa sa kanila.

Problema lang ay si Giko na pasan-pasan ang kasama naming-

"Aaarrgghh!!!"

"Ssshhh.."

Nadapa si Giko at nabitiwan ang pinapasan. Naipit ang paa nito kaya-

"mmmppp!!!!"

"Ssshh.. Sshh.."

Nagtago sila agad sa likod ng puno nang nadapa. Nakatakip ang kamay ni Giko sa namimilipit na kasama. Maya-maya pa'y nakaririnig na ng bakas ng paa.

[ GIKO ]

Di pa malayo ang naitakbo namin. Abot pa rin kami ng ilaw sa kalasada. Kaya kitang kita dito ang galaw ng mga anino nila.

Nakikita ang isang anino na itinuturo ang mga direksyon na tinakbuhan namin. Tumakbo ng mas matulin ang mga dumating na bandido. Pilit na pinapatahimik ang kasama na kanina pa namimilipit sa sakit ng binti. Hanggang sa natahimik sya. Natahimik ang buong paligid. Nakikiramdam ako sa aninong nakikita ko. At ang tanging naririnig ko lang , ay ang kabadong dibdib, kasabay ang tunog ng paghakbang. Lumalakas ang tunog. Makikita sa anino ang unti-unti nyang paglapit samin..

[ RIYA ]

"*Sandali.."

Ngayon ko lang napansin na kaming dalawa na lang ang tumatakbo..

"*Nasaan silaa?"

"*Tumakbo na tayoo."

"*Hindi.. Si Giko."

"*Ri-"

Bumalik ako. Alam kong hindi sila makakatakbo ng maayos.

"*Riyaa."

"*Magtago ka naa.. Kailangan ni Giko ng tulong.."

[ GIKO ]

Wala nang dalawang metro ang layo ng anino. Pero pansin na lumilingon-lingon ito at naghahanap. Hanggang sa natigilan ang paglingon at napako sa isang direksyon. Sinundan ko kung saan nakaharap ang ulo nito.. At nang makita ay-

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Where stories live. Discover now