23. Buhay ka, kung tanggap mo anong klaseng buhay meron ka..

57 0 0
                                    

[ 02-21-14 ]

[ RIYA ]

"*Gabi na't hindi ka pa kumakain simula kahapon.. Gusto mo bang himatayin sa tabi ng mga palay?"

"*Pasensya na talaga.."

"*Hindi mo kailangan humingi ng pasensya.. Naiintindihan namin kung gano ka kalungkot ngayon.. Pero wag mong sayangin ang buhay mo kaka-mukmok.. Ang dami mo ng naitulong samin, ang laki ng magagawa mo.."

"*m.. Salamat sa pag iintindi.."

"*Wala yon.. Halika na, kain na tayo.."

Pero di ako tumayo..

"*Riya.."

Saka tumulo ang luha..

"*Di manlang ba nila ko hinahanap??"

"*Syempre hinahanap ka nila.."

"*Baka nakalimutan na nila koo.."

"*Riyaa.. Kung dito nga samin, napaka-maasikaso't napaka-mapagmahal mo, eh ano ka pa kaya sakanilang mga kalahi mo..

Malaking kawalan ka sakanila.."

"*Bakit hanggang ngayon wala pa rin silaa?? Wala na ba sila lahaat?? Nasaan na silaa??"

Nanginig ang boses.

"*Pat-tay na-na ba sila- la-haaat??"

"*Bakit mo naman naisip yan???"

"*Wala namang o-oras na di a-ko nag-nag isip.. Wala kong ibang naiisip kundi yoooon.. Pano kung!-kung wala na silaa?? Pano kung mag-isa na lang akooo??"

"*Problema ba yon? Eto kami.. At nay bukid kaa.."

"*Pa-pano syaa?? Pano syaa?? Pano syaa?? Ayokong wala syaa.. Kung matatagalan pang di ko sya nak-kikita.. Baka pati pag-inom hindi ko na magawaa.."

"*Wala yata akong maitutulong sayo pagdating dyan.. Pero bakit di ka humanap ng iba?"

Lalong lumakas ang pag-iyak ko..

"*Di-.. di ko- di ko kayaa.."

Yumuko at isinandal ang ulo sa haligi.

"*Gusto ko syang makitaa.."

Niyakap ako ng Ginang. Tapos ay hiniling ko na mapag-isa rito sa labas.

Limang buwan na.. Limang buwan na kong pinapatay ng kagustuhan kong makita sya.. Ayoko na.. Ayoko na ng ganito..

Napatingin na lang ako sa itaas..

"Nasan ka naa..?"

Bilog na bilog ang buwan. Kitang-kita ang mga bituin..

Dilat na dilat. Nakatitig ako sa buwan..

[ GIKO ]

"*Tadaima!" (I'm home!)

Nasa labas si Maki, nakaupo.

"*Okaeri!" (welcome home!)

"*Wala kong nahanap na trabaho ngayon. Puro ang sinasabi, kailangan may pinag-aralan muna ko.."

"*Edi mabuti!"

"*Mabuti! Dahil dito ka lang sa bahay!"

"*Ikaw? Di ka ba naghahanap ng trabaho?"

"*Hindi.."

"*Bakit?"

"*Kasi sasamahan kita rito!"

Ang ganda ng ngiti nya.. Ngiting hindi pa nagugutom..

"*Di ka pa ba nagugutom? O kumain ka na??"

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Onde histórias criam vida. Descubra agora