Giko..

56 2 0
                                    

02-02-14

"Oy!! Mukang pinay yun oh!"

Naglalakad kami sa kalsada at nakatingin sila.

"Uy!! May pinay! May pinay!!"

"Saan?!!"

"ayun oh!"

"Pinay ngaa!!"

Iba-ibang mga boses. Pero iisa ang wika. Ang wika ko.

"*Ang daming Pilipino rito.."

"*Napansin mo?"

"*Natural. Hindi ba rito yung lugar ng evacuation area na pinagbabaan ng mga nailikas na Pilipino?"

Maalala ko. Dito nga yon. Kaya nagmadali kaming pumunta sa mismong evacuation center.

Pero wala kaming ibang naadatnan kundi ang bakanteng lugar. Walang ni-isang nandon. Ang sinabi samin ng nagbabantay, lahat ay may kani-kaniyang buhay na. Halos lahat napa-ampon na. Pero may ilang naiwan at piniling umalis dito para mabuhay mag-isa.

Nagtanong tanong kami. At base sa mga nalaman, halos pantay na ang bilang ng mga Pilipino at Hapon dito. Ang iba'y mga pulubing Pilipino lang. May mga nagtitinda sa kalsada, may mga naglalako, may nagnanakaw ng paninda, may sumisigaw ng balot, may mga batang naglalaro sa kalsada, tumbang preso, piko, luksong baka, may mga matatandang babaeng naglalabas sa labas, at kung ano pang ugaling Pilipino ang nandito.

Kung titingnan mo nga, parang isang lungsod ito sa Maynila.

"*Mukhang walang nakakakilala sayo dito Yuya."

Dahil malayo na ang naikot namin at walang umaatake para kumuha ng letrato sa kanya.

"*Siguro meron. Pero hindi sila taga-hanga."

Malayo na kasi ito sa lungsod na pinanggalingan namin. May ibang uri ng pamumuhay ang mga tao rito.

"Uy!! Kwek! kwek!!"

Sumugod ako sa nagtitinda.

"*Bakit may mga nagtitinda dito? Diba bawal to?"

"*Ang tawag sakanila, illegal vendors. Ilegal pero kahit saang parte ng Pinas merong ganyan- aaah!! Fish baalll!!!"

Nakakatuwa. Ngayon na lang ulit ako nakatikim nito!!!

"*Oh! Tikman mo biliiis!! Masarap tooo!!!"

Tapos tumuhog, dumiretso sa kabilang tindahan.

"*Ang tawag naman dito, "bangketa". Mga illegal vendors din sila.* Magkano po rito?"

"Oh!! Pinoy ka?!"

"Opo!! Hahaha!"

"Ah.. sigee .. Isang daan na lang yan sayo."

Bumulong ang tindera.

"Sa iba mabebenta ko yan ng isang liboo.."

"Ah??!! Talaga po?!"

"Ssshh..."

Kinuha ko ang panali sa buhok. Pumili ng ibang mabibili at nakita ang-

"Magkano po ito?"

"Yan? Sige benta ko na ng mura sayo. Dalawang daan."

"Saan po ito galing? May pinagkukuhaan po ba kayo ng paninda nyo?"

"Haha! Ikaw naman.. Parang hindi ka Pinay eh~ San pa ba nanggagaling ang binibenta sa bangketa?"

Bumulong.

"Sa GSM.. Galing Sa Magnanakaw- hehehahahaha!"

Tumawa.

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Where stories live. Discover now