Ai No Naka.. (In the Middle of Love)

115 2 0
                                    

"*Exam nyo na bukas diba?"

"*mm.."

"*Hindi ka muna papakuhanin non kasi kakapasok mo pa lang.."

"*mm.."

"*Gusto mo wag muna pumasok?"

Umiling ako.

"*Para makapagpahinga ka.

Di rin ako aalis para masahan kita."

Matinding iling!

"*Sigurado ka?"

Umo-o.

"*O sige.. Pahinga ka na."

Tinaas nya ang kumot hanggang sa leeg ko. Saka nya pinatay ang ilaw at sinara ang pinto.

"*Oyasumi.." (good night)

Pinilit ko ng matulog.. Maya-maya..

Bumangon ako. Dala ang unan..

At kumatok sa kwarto nya..

"*Bakit?"

"*Ihahatid mo ba ko bukas?"

"*Syempre naman.."

Bumangon sya. Inakay ako papasok sa kwarto nya.

"*Bakit, sumasakit ba sugat mo?"

Umiling..

"*May gusto ka bang ikwento?"

Humawak sa mukha ko.

Inalis nya ang pagkakayuko ko at tumingin sa mata.

"*Uulitin ko ang tanong.. May gusto ka bang ikwento?"

Yumakap lang ako sakanya..

"*Wala namang sinabi yung Gobyerno diba?"

Sinabi ko habang pinipigil ang iyak.

"*Na ano?"

"*Na maghihiwalay tayong dalawa?"

"*Oo namaaan.. Alam mo.. Kahit pangulo pa ng Amerika ang magsabi. Kahit Gobyerno ng bansang to, o kung buhay pa ang Presidente nyo at ipag-utos nyang maghiwalay tayo, wala kong susundin.. Inampon kita di dahil utos yon ng Amerika.. Kinuha kita at inangkin dahil nararamdaman kong kailangan kita.."

"*Lagi mo ba kong susunduin sa eskwela?"

"*Syempre.."

"*Hanggang kailan mo ko susunduin?"

"*Edi hanggang sa maka-graduate ka.."

Humigpit pa ang yakap ko sa kanya.

"*Gusto mo.. Dito ka na lang matulog?"

Kinabukasan..

Nakiusap ako na kung pwede, kumuha ako ng exam. Para naman walang masabi sila na hindi patas, kukuha rin ako ng exam..

Umupo ako sa pwesto ko..

"*Ohayo!!"

Dumaan ang lalaki..

Bumati ng magandang umaga sa ka-klase.

"*Oy.. Ohayo!"

Pero..

"hah?"

"*O-ha-yo!"

Sabay ngiti..

"watashi?" (ako?)

"*Hai! Ohayo!"

"*Oh! O- o- ha- ohayo.. Ohayo!!

Ohayo!! Ohayooo!!!"

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant