Tunay pagpapatunay sa tunay na pagpamamahal na nasa pangakong tunay..

67 2 0
                                    

Pumiglas ako matapos akong tutukan ng baril. Humukay ako ng lupa, pasimle gamit ang paa at biglaang-

"*Hugh!"

Isinipa ang lupa at pinuwing ang tumututok. Saka hinuli ang braso nitong may hawak ng baril at nagpaputok. Nag-agawan kami sa baril habang pinuputok nya. Kaya naman nagtago at dumapa ang ilang tumututok sakin kanina. Pagkakataon ko para tumakbo, pero hindi rin ako nakatakas at tinamaan ako sa balikat.

"*Gwaagh!!"

Tinamaan din ako sa binti, dahilan ng pagkadapa ko.

"*Waaaaah!!"

"*Grwaaggk!!"

"*Aah!!"

Biglang nagliparan ang mga balisong nang nadapa ako. Saktong nakadapa ako, pinagpupukol sila ng mga balisong. Oo at wala kaming mga baril, pero kumpleto kami sa mga patalim na kami lang ang gumawa. Ang talim nito ay may naka-konektang pisi na tanso na dinadaluyan din ng kuryente galing sa makina.

"*Ggrrwaaaaaaggrrrkikkkggkk!!!"

Sunod-sunod na putukan. Sunod-sunod na sigaw ng mga natatamaan ng bala at pagsigaw ng mga nangingisay..

"*Aaaaaagghh!!!!"

"*Rrraaaaaagggrwaaahhh!!!"

"*Saklolooo!!! Tuuloooong!!!"

"*Boooss!!! Boooss!!"

"Gikoooo!!!!"

"Tuloooong!!!"

"*Rwaaaaaaaahh!!!!"

At biglang- "Aaahh!!!"

May humila sakin at binuhat ako. Nagpumiglas ako at-

"Giko!! Ako to!!"

Mabuti at agad akong hinila ng kasama ko.

"Si- Si Riyaa.. Hah.. Si Riyaaa.."

Tinatalian ang mga tama ko sa katawan. Nang matapos ay..

"Magtago ka na lang muna."

"Giko, anong gagawin natin?"

"Ta-takas.. Tatakas na tayoo.. Banawiin ko lang si Riya.."

"Oo. Sige.."

Umalis ang isa..

[ TEGOSHI ]

Agad akong tumakbo nang hinila palayo si Riya. Inunahan sila at saka nagtago sa ibaba. Inaabangan silang dumaan.. At ng nandito na..

"*Aaagkk!!"

"*Walang kikilos!!"

Kutsilyo lang ang hawak ko. Walang pisi. Tinaga ko ang paa ng humahawak kay Riya, sakto nang dumaan ito sa tinataguan kong bato. Tumumba ito sakin, hinila ko, tinutukan ko ng kutsilyo saka itinayo habang nakaipit ang leeg nya sa braso ko.

"Yuyaa!!!"

Apat na baril, nakatutok kay Riya. Dalawang baril ang nakatutok sakin. At isang kutsilyo lang ang hawak ko na nakatutok sa leeg ng hawak kong bandido.

Nasa harap ko na ang ililigtas ko. Pero-

"*Aaaaaagghhkkaaaa!!!"

Nagulat ang lahat sa biglaang pagpiglas ng lalaki sakin at nag-agawan kami sa kutsilyo. Dahilan kung bakit lumayo ang mga may baril at sa gulo naming dalawa, di nila alam kung saan ipuputok ang mga baril nila at ng-

"*Aaaaaaahh!!!"

Nagkaron ng pagkakataon, tinaga ko sya sa mata. At tinulak ko pababa.

"haaaagghh!!!"

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Where stories live. Discover now