PANO MO MALALAMAN KUNG DI MO AALAMIN??

56 2 0
                                    

[ date written: 02-13-14] [ Syrene Yalo's day]

"Sya ang Tatay mo Giko.. Sya na nakatayo sa harap mo."

Nagsitayo lahat ng nakikiusisa.

At muling napa-upo si Giko sa narinig.

"Narinig mo ko? Giko, si Deyo ang Tatay mo.."

"Hahahahaha!!!"

Bigla syang tumawa.

"Ano bang nangyayari rito? Ano bang nangyayari sa mga tao rito? Ako lang ba to? Ano ba nangyayari?"

"Giko, sabi ko kasi makipag-usap ka muna.. Ayaw mo makinig kaya ganyan."

"Ano bang sinasabi mo?"

[ DEYO'S POV ]

Ginawa ko lahat ng makakaya ko para matubos sya sa kulungan. At nang maka-uwi, umasa ko na magkakaron ng panibagong buhay ang lahat, at makikilala na ko bilang parte ng pamilya nya. Bilang Ama ng anak nya..

Pero..

"Sige, dito muna ko. Basta yung pera ah.."

"Oo na!"

Di ko na makayanan ang nangyayari. Buong labing pitong taon, sunud-sunuran ako sa babaeng pinakasalan ng kapatid ko at pinapanood lang sya na bugbugin ng asawa. Kaya..

"Ano bang pakielam mo?!"

"Alam ko di mo sya mahal.. Pero sana naman maging totoong Ama ka naman!"

"Para saan?!! Para sa anak mo hah?!!"

"Anong nangyayari rito?!"

Umakyat ng kwarto ang Nanay ni Giko, kung saan kami nagbabangayan ng asawa nya.

"Wala.. Nag-uusap lang kami. Alam mo naman syaa.. Lagi syang pasigaw magsalita."

Bumaba sya matapos non. Kaming dalawang magkapatid ang naiwan sa kwarto.

"Pakiusap.. Kuya.. Mahalin mo naman sya.."

"Maka-kuya ka ah.. Di kita kapatid."

"Oo na.. Pakiusap naman.. Kahit di mo na pilitin ang sarili mong mahalin sya. Tanggapin mo lang sya bilang asawa mo-"

"Tama naaa!! Hindi ko sya kayang tanggapin!! At mag-asawa lang kami sa papel at sa pantasya nya! Pero para sakin hindi!! Nandidiri ako sa kanya!! Lagi syang nakakapit sakin!! Nakakasuka ang amoy nya!!"

"Tumigil ka!!"

Sinapak ko.

"Alam mo ba ginagawa mo?! Sinasayang mo ang pinakamagandang bagay na binibigay sayo!! Ako? Sobrang nangangarap ako na balang araw, kahit isang tingin nya lang sakin, kahit isang ngiti lang galing sa kanya.."

Dahil sa simula pa lang, patay na patay na ko sakanya.. Habang sya.. Patay na patay sa kapatid ko..

Ginawa ko lahat para lang makita nya ko. Pero ang kapatid ko, kahit tinataguan nya na ang mahal ko, kitang-kita pa rin sya.. Di ako sumuko, ginaya ko lahat ng nasa kuya ko. Itsura, gawi, kilos, lahat! Para lang mapansin nya ko. Pero..

Hindi pa rin..

"Aah.. Ako na gumawa ng proyekto mo! Ito oh.."

Isang linggo kong pinagpuyatan ang blue print na proyekto.

"Salamat!! Buti na lang ginawa mo ko.."

"Kung nakapagsimula ka na, akin na, ibigay mo sakin. Ako na tatapos."

Para yon na ang gagawin kong proyekto ko. Dahil inuna ko yung kanya. Ako ngayon ang wala pa.

"Nako.. Hindi pa. Wala pa kong nagagawa.. INUNA KO KASI YUNG PROYEKTO NG KUYA MO.. Sige ah! Una na ko.. Salamat ulit!"

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon