Sa mga kinalaban, sino ang kakampi?

53 1 0
                                    

02-20-14

Ibig sabihin, wala pa ring alam si Maki tungkol dito. Pano na? Nasan si Riya?

Anong gagawin ko?

Mag isip ka Giko..

Mag isip ka..

Mag isip ka..

Giko, mag isip ka..

"Giko, ayos ka lang?"

"Wag ka muna maingay pwede?"

"Dumudugo kasi yung sugat mo.."

"Ayos lang.."

Isip..

Isip.. I-

"Ah!"

Kumikirot ang ulo ko.

"Sabi ko na eh.. Pumunta muna tayo sa Ospital.."

"Ospital?"

"Oo."

"Tama!"

"Hah?"

Tama! Sa Ospital! Ang Doktor!!

"Ang galing mo Pasyong!! Ang galing mo!!"

Tumakbo na ko agad. Buti pala sumakit ang ulo ko!

"Sandali lang Giko!!"

"Magmadali ka! Kailangan maabutan natin sa Ospital ang Doktor! Nag lilibot sya bahay-bahay kaya bago sya umalis ng Ospital, kailangan nandon na tayo!"

[ DOKTOR ]

Matapos ang mahigit sa anim na oras, napatay ang malawak na apoy.

"*Doktor.. Tayo na po.."

"*Umalis na po tayo rito.."

Tumayo ako.

"*Doktor, saan ka-"

"*Hayaan nyo na ko.. Salamat sa pag iintindi nyo sakin."

Lumakad ako.. Palapit sa bukid na abo..

"*Doktor.. Baka delikado pa."

"*Doktor.."

Di ko sila pinansin. Pumasok ako sa bukid na abo. Lahat abo na.. Walang natirang matino.. Bakit ganito? Paano ginawa to? Bakit to ginawa? Nasaan ang mga kasama ko? Nasaan ang lahat?

"*Dyos ko.. Bakit naman kaya sinunog tong bukid no?"

"*Balita ko, sinunog daw pati mga hayop.."

Naririnig ko ang usapan nila kahit malayo ako.

Pero hindi.. Wala kong makitang bangkay ng hayop. Hindi rin ganon kahigpit ang mga tali ng mga hayop dito kaya magagawa nilang makatakbo bago sila masunog. Maliban na lang kung talagang kasama sa balak ng gumawa na mag-letson ng mga hayop sa bukid.

"*Eh pano yung mga nakatira?"

"*Yun na nga eh.. Tingnan mo yung Doktor oh.."

"*Ah! Oo! Diba dati sya rito nakatira?? Kinupkop sya dati ng mag-asawang may-ari nitong bukid.."

"*Kawawa naman ang Doktor, ano?"

"*Sssh.. Tama na nga.. Baka naririni kayo ng Doktor. Nandon lang sya ooh."

Napaisip ako.. May kinalaman kaya tong mga taong to??

"*Kawawa naman sya.. Sana matulungan agad ang Doktor.."

"*Ayaw naman nya kasing sumama muna satin.. Edi sana pinapakain na natin sya ngayon."

Hindi.. Posible.. Pero kutob ko hindi.. Pero posible nga..

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Where stories live. Discover now