Sa likod ng istoryang nakatago sa likod..

39 2 0
                                    

[ TEGOSHI ]

Inutusan nya kong magmatyag sa lahat ng nangyayari, at kung pwede, kaibiganin lahat ng Pilipinong nandon,maging ang mga Hapon at kilalanin sila. Madali kong nakasundo ang mga Hapon. At ngayon, uunahin ko tong Pilipino na to..

"*Sumimasen.. Pwede na kayong kumain. Bakit nandito ka pa?"

"*Nahuli ako ng gising. Dagdag isang oras sa trabaho ko.

"*Ano yan? Trabaho mo?"

Gumuguhit sya.

"*Oo.. Nung nasa Pilipinas pa ko. Ngayon, libangan ko na lang."

"*Ang galing mo.. Blue print yan diba?"

"*m.."

"*Tegoshi Yuya nga pala.."

"*Te?? Aah!! Ikaw yung-"

"*Ssshhh!!!"

"*Oo nga! Kaya pala ang gandang-lalaki mo eh! Bakit- bakit nandito ka?! Nagtatrabaho ka rito?!!"

"*Halika rito.."

Inaya ko sya sa mas madaling mag-usap.. Sa sulok..

"*Sikreto natin to ah.."

"*O.."

"*Ikaw ba.. Gusto mo ba magbago ng trabaho?"

"*Natural! Sino ba gustong magbuhat nang magbuhat habang buhay?!"

"*Sshh.. Tingin mo, mga ilan kayong kagaya mo rito?"

"*m! Lahat ng Pilipino rito may magandang trabaho sa Pinas. Pero nagtityaga kaming lahat dito dahil umaasa kami na.."

Natigilan sya..

"*Na??"

"*Na mababalikan namin ang mga trabaho namin sa Bansa.. Na makakasama ulit namin ang pamilya namin.. At babalik sa dati."

"*Sa tingin mo may mangyayari kung magtatrabaho kayo rito?"

"*Eh kung di kami magtatrabaho? May mangyayari rin ba?"

"*Sa ganito? Sa ganitong pamamalakad nila?"

"*Teka ngaa.. Anlayo na ng narating ng tanong eh.. Ang tanong ko, anong ginagawa rito ng isang artista??"

"*Pinag-uusapan na natin ang sagot ko.."

"*Hah?"

"*Kung bakit ako nandito, ay dahil dito.."

"*Ah? Linawin mo nga!"

"*Sshh!! Mamayang pagkatapos ng trabaho. May ipapakilala ko sayo.."

[ RIYA ]

"Pilipino kaa?!!! Talagaa?!!"

"Oo!! Ikaw din?!!"

"Oo!! Apir!!"

Matanda na sya..

"Ilang taon ka na?"

"Mag-po ka, mas matanda ko sayo."

"Opo nga po.. Halata ko nga po. Ilan taon nga po??"

"Trenta i nuebe.."

"mm.."

"Ikaw?"

"Bente.."

"O! Ka-edad mo anak ko!"

"Kasama nyo anak nyo??"

Umiling sya..

"Hinahanap ko pa.."

"Aah.."

"Para saan ba tong usapan natin?"

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Where stories live. Discover now