Ai Nante.. ( a thing as love )

106 1 0
                                    

(02-01-14)

[ TEGOSHI ]

"*Okaa-saan!! Bakit nakahiga ka dyan?!!"

Nakatabi sya sa magiging asawa ko.

"*Kunin mo na tong unan mo.. Don ka sa kabilang kwarto."

"*Hah?!"

"*Kayong dalawa ng Oto-san mo ang magtatabing matulog.. Kaming dalawa dito ni Ai-chan."

"*Uuuuhh. .. Okaaa-saaan.."

"*Wag na mag- arte ! arte! Doon ka na! Doon! Doon! Alis!"

Tumingin ako kay Riya. Hihingi sana ko ng tulong kaso pagtingin ko pigil na pigil ang tawa nya.

Nginusuan ko nga..

"*Alis naaa.. Alis naa.."

Lumipat na ko sa kabilang kwarto.

"*Tumutulong lang kami ng Nanay mo.."

Tatay ko.. Nagbabasa pa rin ng Dyaryo kahit gabi na. Humiga ako sa tabi nya..

"*Pag sinabi kasing bawal, bawal.."

Di ko pinansin..

"*Sa ngayon di mo pa ramdam ang epekto. Pero di magtatagal at mapipilitan talaga kayong maghiwalay. Kaya hangga't maaga pa, putulin nyo na ang mga ugat nyo sa puso. Magturingan na lang kayong magkapatid, tutal gustong gusto naman ng Nanay mo si Riya.

Umpisa pa lang gusto na nyang magkaron ng anak na babae eh."

Umikot ako't tumalikod sa kanya..

"*m?"

Tinakpan nya ng Dyaryo ang muka ko..

"*Magkarelasyong Pilipino at Hapon na nahuling naghahalikan sa parke, dinakip.."

Napabangon ako bigla. Binasa ang dyaryo.

*Sa itsura pa lang, di na maitatanggi na Pilipino ang lalaking kasama ng isang Haponesa sa parke kagabi. Inabot sila ng hating gabi sa nasabing lugar at naabutan ng mga nagpapatrol na pulis. Nang masita, tumakbo ang dalawa, dahilan kung bakit napilitan silang ikulong pareho. Kasalukuyan ng nakabilanggo ang dalawa sa magkaibang presinto..*

"*Tapos ka na magbasa? Papatayin ko na ba ang ilaw? Marami pang kaparehong istorya dyan.. Aay.. Mukang mabilis mapupuno mga prisinto dito.. Patay ko na ilaw aa."

Di ko sinabing tapos na ko. Pero pinatay na nya ang ilaw..

[ 1 ng umaga ]

Tunog na lang ng orasan ang naririnig ko. Atsaka yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.

Di na matiis. Kaya bumangon ako ng maingat para di magising ang katabi.

Tahimik na pumunta sa kabilang kwarto.. Sumilip..

Natutulog na sya. Naisip nya sigurong makipagpalit ng pwesto kay Oka-san at sya na ang malayo sa pader. Dahan dahang lumapit.. At saka sya pinagmasdan. Inalis ang buhok na nasa mukha nya.

Saka sya hinalikan..

Nagising sya. Pero alam na nya ang lasa ng halik ko kaya di na sya nagulat.

Bumangon sya at..

"*Nilalamig ka?"

Nandito kami sa bubong..

"*Hindi.. Ang higpit ng yakap mo.."

"*Ayos lang ba talaga sayo kung di ka matutulog?"

"*Oo naman.. Kahit sa ilalim ng lamesa, sa ilalim ng hukay, sa kalsada, o kahit saan.."

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant