MAY PANIBAGONG BUHAY PA NGA BA PAGKATAPOS NITO?

110 4 0
                                    

01-26-14

"Si-Sir!! Sirr!!"

Nakaluhod ako't nanginginig na lumapit sa sundalo.

"Stop it! What're you doing?!!"

Di ko naman sinasadyang humawak sa pantalon nya para makatayo ako.

"So-sorry Sir.. I just want to a-ask .."

Tumayo ako matapos ilagan ang paa nyang isisipa sana sakin.

"What is happening? Is this nor-normal? W-why the-the ship is- aagh!!"

Natumba ulit yumugyog ang barko.

"It's normal.. Don't panic.."

Sinabi ng sundalo saka ito umalis. Umupo na lang ulit ako sa sulok at doon na nanginig.

[7 ng gabi ]

Napalingon ako sa katabi kong matandang babae. Kung nanginginig ako, sya halos sumasayaw na sa sobrang lamig.

Lumapit ako sa kanya. Didikit ako para mainitan sya at-

"Paa~..."

Gumalaw ito bigla.

"Paaaag..~"

Nanginginig na gumapang..

"Pa-a-a-aag..kaa- ~ .."

Sinusubukang abutin ang sundalong malapit sa amin.

"Sandali po.."

"Paagkaaeen.."

Hinarang ko sya bago pa nya mahawakan ang pantalon ng sundalo. Gaya ng muntik ng gawin sakin kanina, baka sipain din ang matanda. Kaya..

"Ako na po.."

Tumayo ako. Lumapit sa sundalo..

"S-sir.. Do .. youu have some fo-ood?? We - a-are hungry.."

Pero parang wala itong narinig.

"O-or.. or water?? Just some wa-ter?"

Lumingon sya palayo.

"Sir.. We are hungry.. We're cold..

Water pleaaase.. Hot water pleaase.."

Lumakad ang sundalo. Umalis na parang di naintindihan ang pakiusap ko.

"Nagugutom na kameee!!!! Bigyan nyo kami ng pagkaaaeen!!!"

Hindi ako napansin ng kahit na sinong sundalo. Pero lahat ng Pilipino nakita ang ginawa ko.

"Pa-"

May sasabihin pa sana ko pero di ko natuloy.

Naramdaman ko kasing yumakap sakin ang Ale.

"A-aang lalamiiig.."

Umupo na lang ako't niyakap ang matanda.

"Hi-"

"Pagkaaaaeeeen!!!!"

Biglang may sumigaw.

At napansin ko na lang na nagtatayuan na ang mga tao.

"Pagkaeen!!!"

"Pagkaaiiin!!!"

"Gutom na kameee!!!"

"Tubiiiig!!!!"

"Tu-uuloooong!!!"

Nilapitan nila kahit sinong sundalo sa paligid. Sa naalala ko nga, nag angkat sila ng mga pagkain bago namin iwan ang Taiwan. Nasaan na yung mga pagkain na yon? Di ba magagawan ng paraan para maipakain samin?

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Where stories live. Discover now