Ikaw Doktor, anong kwento mo?

56 4 3
                                    

[ 02-17-14]

Bakit nga di ko naisip yon? Hindi nya nilagay ang pangalan at addres sa libro dahil..

"Nagtatago ako. Diba?"

"Teka. Doktor hindi ko maintindihan.. Doktor ka. Hindi naman pwedeng magtago ka."

"Kabisado ko kung kailan ako kakailanganin ng pasyente ko. Kaya di ko pinapaalam sa kanila kung saan ako tumutuloy ngayon."

"Wag mo na pahabain. Bakit nga kailangan mo magtago?"

"Para mag ingat! Kung minsan na kayong nagkaron ng atraso sa iba, at di ibig sabihin non tapos na ang problema. At ngayong kasama nyo na ko sa grupo, ang problema nyo, problema ko na rin.. Ang atraso nyo sa ibang tao noon, atraso ko na.rin.. Nag iingat lang ako."

Ngumiti ako..

"Salamat Doktor.."

"Wag ka muna magpasalamat. Dahil pumayag na rin sila Oka-san at Oto-san na ipahiram tong bukid satin.."

"HAAAAAH??!!"

"O, magpasalamat ka na."

"AAAAAAAHH!!"

Napatili ako.

"Ssshh!!"

"Talagaaa?!!"

"Ssshh.."

"Doktooor!!"

"Sssshhh.."

Ganon na nga. Pinahiram samin ang bukid para gawing bagong taguan namin.

Nagpalipas muna kami ng ilang aras. Saka patago't pasimple, isa-isang nagpupunta ang lahat sa bukid. At ng alam na ang lokasyon ng bukid. Inunti-unti naman naming inililipat ang dapat ilipat na mga gamit.

"*Aalis ka na?! Napaka bilis naman!"

"*Pano ba yan? Edi mag aalala na naman kami sa mga kalusugan namin.."

"*Baka pwedeng dumito ka nalang muna.."

"*Mas komportable kami kapag nandito ka.."

Ang kausap ng Doktor ay ang mga kapitbahay sa bukirin. Malayo naman ang distansya mula sa bukid ng kumukupkop samin at sa mga karatig na bahay kaya walang problema.

"*Nabigyan ko na kayo ng talaan ng mga gamot. Paki ingatan na lang po ang mga sarili nyo.."

"*Doktor.. wag ka nang umalis.."

"*Kailangan mo ba talagang lumayo?"

"*Pasensya na at biglaan ang pag alis ko. Dadalasan ko na lang ang pagbisita. Mauuna na ko.."

Saka umalis ang Doktor para magpaalam sa susunod na bahay na malayo na ang distansya mula sa pinaggalingang bahay. Pinalabas ng Doktor na lalayo sya. Maganda kung ang alam ng tao, malayo sya para mas ligtas.

Nagpalipas muna kami ng ilang mga araw bago tumuloy sa bukid. At sa paglipas ng mga araw, di na namin namalayan na..

"HAPPY BIRTHDAY GIKO AT RIYAAA!!!!"

Tutal magkasunod naman, pinag sabay na ang pagdaos ng kaarawan namin ni Giko.

"Na.. Naalala nyoooo.."

Halos maiyak ako. Naghanda sila ng pagkain para sa espesyal na araw na to..

"Anak.. Maligayang kaarawan.. Pinaluto ko tong mga pagkain. Sana di ako nagkamali. At baka mas masarap pa rin dito ang luto ni Riya.."

"Bakit ang dami naman? Magkano ginastos dito?"

"Si Hapon ang gumastos. Ako lang naghanap ng magluluto. Wag ka na mag alala.."

The Rebirth of The Philippines [2013 Historical Fiction|: A story after the devastation of Typhoon Yolanda]Where stories live. Discover now