Sumigid ang hapdi sa pisngi ko nang dumaplis iyon dahil mabilis na pagdaan g bala. Napahawak ako sa pisngi na ngayon ay nagdurugo. She gritted her teeth and now, dalawang kamay na ang gamit niya sa paghawak niya sa baril. Gigil na gigil siya.

"Just shut up! I'll kill you, Eirian. I'll kill you!" She shouted. Tinikom ko ang bibig at mariin na pumikit. Pagmulat ko ay tila demonyo siyang ngumisi at binaril ako na sa braso ko tumama.

Napaatras ako at sinapo 'yon. Yumuko ako para tignan iyon saka nag-angat ng tingin sa kaniya. She smirked and I can't see any trace of the old Elene on her. I shook my head and breath heavily.

"Kill me now," saad ko. She nodded at muling pumosisyon. Mabilis akong kumilos at umikot para sipain ang kamay niya. Napangiwi siya at tumalsik ang baril sa sulok ng silid.

Nanlisik ang mata niya at tumakbo papunta sa baril ngunit hinabol ko siya at hinila ang buhok. She's taller than me kaya bahagya akong gumilid at kumilos. Sinipa ko siya sa mukha nang malakas kaya natumba siya. She touched her face at kinapa ang ilong na ngayon ay nagdudugo.

Mabilis akong pumunta sa may baril. Ngunit hindi ko namalayan na nasa may likod ko siya at gumapang saka hinila ang paa ko. I landed on the floor with my face. My face crumpled but still manage to get the gun. She tugged both of my feet kaya umupo ako at hinampas siya ng baril sa ulo.

I can't die. No, I must not. Hindi pwede na ganito, na lagi akong hindi lalaban at hahayaan silang saktan ako. I had enough and I'll never let anyone hurt me.

Lumayo siya sa akin at sumandal sa pader at umupo. Natigilan ako at tumitig sa kaniya. She's now crying like a child and my heart clenched as I watch her.

"Papa ko ang namatay, Eirian. Ikaw, hindi mo siya ama at ang tunay mong ama ay buhay pa. Hindi mo alam ang sakit na nararamdaman ko. Ang mawalan ng ama," she shouted. I smiled bitterly.

"I didn't feel that pain, Elene. Because I live with that pain. Nabuhay ako na nasa akin na ang sakit na 'yan, I lived without my parents. At kahit hindi ko ama si Valentino, malaking kawalan siya sa 'kin. I can understand you Elene. I know how it feels," bulong ko. She shook her head.

Tinapon ko ang baril sa may ibabaw ng mga patong-patong na karton na alam kong mahirap abutin saka naglakad palapit sa kaniya. Umupo ako sa harap niya at tinitigan siya.

"So you planned this?" I asked.

Habang tinititigan ko siya, doon ko napagtanto na hindi ko magawang magalit. Masakit pero hindi ako galit sa kaniya. Anger and hatred can really conquer all. It's so strong that it can destroy anything and anyone.

"Yes. I planned everything, Eirian. Ako ang kumuha ng wallet ni Sunshine at tinago dito sa stock room. At plano ko talaga na patayin ka. But...but.." Humikbi siya muli. Parang bata siyang umiyak at parang dinudurog muli ang puso ko.

Malungkot akong napangiti at niyakap siya. I know how she feels. Kasi ako, ginusto ko rin na patayin ang ama niya dahil sa pagpatay niya kay Valentino. At ngayon, ganoon din siya. But she learned the truth na hindi ako ang pumatay sa ama niya. I hugged her and let her cry on my chest.

"I'm sorry... I'm sorry, Eirian." She cried hard at yumugyog ang balikat. Malungkot akong napangiti at mariin na pumikit nang maramdaman ang pagbaon ng kutsilyo sa tiyan ko. Napahikbi ako ngunit pinigil ang iyak.

"I'm sorry but my soul is shouting for your death." Umiiyak niyang saad habang malungkot na nakatingin sa 'kin. I tried to touched her face and wiped away all her tears.

"Stop crying now. You'll have it, after few minutes," bulong ko at hinalikan siya sa noo. Humagulhol siya samantalang ako ay pumikit na lamang at unti-unting humiga sa malamig na sahig.

Nakatitig lamang siya sa 'kin hanggang sa tumayo siya at iniwan ako. I stared on the ceiling at napangiti nang malungkot. Nakakapagod, sobra. Parang ayoko na. Pagod na pagod na ako, e. Maybe I'm not really meant to live long ngunit pilit kong nilalabanan kaya paulit-ulit din akong nasasaktan.

Patuloy na umalpas ang luha mula sa 'king mata nang maalala si Greg. Kitten. Am I really a kitten who has nine lives? Greg. I hope we will meet even for the last time.

Napapikit ako at hinawakan ang kutsilyo. Nagtagis ang mga ngipin ko upang pigilan ang sakit nang hugutin ko ang kutsilyo saka tumayo. Hirap na hirap ako and I ended up crawling towards the door.

I just want to meet, Greg. Hindi ko pa siya nakita muli matapos makalabas ng hospital at hindi ko pa siya nakausap nang maayos. Pinilit kong buksan ang pinto mula sa kwarto. Hanggang sa makita ko na ang main door ng stock room.

Parang hinihila na ang diwa ko but I still tried. Hanggang sa hindi ko na kinaya at hinang-hina na. Mapait akong napangiti at humiga na lamang. Will I meet my mother when I die? But I don't think so. Mom is kind and have a pure heart. While me, I'm an evil. I already killed some men. I am not welcome anymore.

Nakarinig ako ng kalabog sunod ay ang mga yabag. Rinig na rinig ko ang mga mabibigat nilang hininga.

"Eirian!"

"Oh my God, Eirian!"

"Kitten..."

Naramdaman ko ang paglutang sa ere. Kasunod ay ang pagdikit ng mainit na balat sa akin. Sumandal ang ulo ko sa mabigat na bagay at nakarinig ng mabilis at malakas na kalabog. Tibok ng puso. Mabibigat na hininga. Mga tubig na pumapatak sa balat ko. Tahimik na pagtangis.

"G-greg..."

"Y-yes baby? Just hold on. You'll live. You will not leave me." Garalgal ang boses niya. Napangiti ako.

Nanlalabong paningin, mababaw na paghinga... pagbigat ng talukap. Pagkalat ng kadiliman at tuluyang pagsuko. Ayoko na.

*****

Supladdict<3

Angst Academy: His QueenWhere stories live. Discover now