Suminghap ako ng hangin at pinanood ang mga dinaraanan. Alam kong nag-aalala na si Tita ngayon dahil sa pagkawala ko sa hospital. But I just want to clarify something. At kapag natapos ko 'yon, makahihinga na nang maluwag ang utak ko na gulong-gulo. Pinisil ko ang palad at mariin na pumikit. Kahit anong pilit ko na pigilan, kusang pumapasok sa isip ko si Daddy Valentino. I just miss him damn much. Ang bilis kong napamahal sa kaniya, though noong mga unang beses namin na pagkikita iba ang nararamdaman ko sa kaniya.

But the following days that we lived together, I can sense how he genuinely love me.

Inabot na kami ng ilang oras sa biyahe. But I stayed wide awake at hinahaplos ang baril na hawak. Ito iyong ginamit ko noon na mula pa kay Calixto. And the fact that I killed three of his men, ay tunay na nakapangingilabot. Hindi ko akalain na magagawa ko 'yon. And I'm sure that God isn't happy on what I did.

Nagsisisi ako na nakagawa ako nang ganoon kalaking kasalanan but on the other side, naiisip ko na tama lamang iyon sa kanila. I'm sure, isa ang tatlo na 'yon ang naroon sa paligid ng bodega noong gabi na 'yon. And I'm sure, they already did something worst. But still, forgive me God. I don't know if I'm still welcome to his kingdom the moment that I'll die.

Sa ngayon, ito na muna ang kahaharapin ko. Unti-unti nang pumapasok ang sasakyan sa lugar na walang pakalat-kalat na tao. Mahabang biyahe ang lumipas habang tinutunton namin ang malawak na lupain. At sa bawat pagdampi ng gulong sa lupa ay nadidisturbo ang mga alikabok at humahalo sa hangin.

Ilang minuto pa ay may nakita na akong dalawang armado na lalake. Binaba ng nag-drive ang salamin sa kaniyang tabi at nilingon ang lalake.

"L’héritière est avec nous. Est-il Seigneur Eros?" Saad niya na hindi ko na naman naintindihan. I sighed and stared at them. Nakita kong sumilip ang nasa labas ngunit hindi naman niya ako nakita.

"Oui, il est ici. J’ai pensé que ce n’est pas encore le temps. Pourquoi diable la princesse est déjà avec vous?"

The man in driver seat 'tsked', "Juste se taire et nous irons. Je sais que je me suis cassé ce qu’il avait dit. Ne vous inquiétez pas, je vais faire face à sa punition. Nous allons maintenant."

Sumara ang bintana na nasa tabi niya at umandar ang sasakyan. Alam ko na nasa teritoryo na niya kami but I didn't expect na malayo pa pala kami sa mismong kinaroroonan niya. Ilang mga armado pang lalake ang nadaanan namin na nakatayo. Tantiya ko ay pitong metro ang layo nila sa isa't isa at kada pitong metro ay dalawa silang nakatayo.

Hanggang sa matanaw ko ang malaking gate sa hindi kalayuan. Parami na nang parami ang mga armadong lalake hanggang sa tuluyan namin na narating iyon. At noon ko pa lang naramdaman ang kaba at halo-halo pang emosyon. The huge black gate slowly opened. Sa magkabilang gilid noon ay may dalawang malaking lalake na may hawak na mataas na kalibre ng baril.

The car slowly entered the place. Ilang metro ang layo mula sa gate ay kitang-kita ang napakalaking mansion. A mansion or should I say a palace. Kinagat ko ang sariling labi at tumingin sa labas mula sa bintana. Armed men scattered around. They don't look like some ugly goons, pormal na pormal sila sa suot din nilang mga suit na kulay itim.

And I noticed something. Sa kwelyo ng suot nila ay may kung anong maliit na kulay ginto at 'yon siguro ang palatandaan nila. Nadaanan pa namin ang isang malaking fountain na hindi naman gumagana. After a while, the car stopped in front of the big entrance.

Lumabas ang dalawang lalake, ang nag-drive ang nagbukas ng pinto para sa akin. Marahan akong lumabas at agad na nilibot ang tingin sa paligid. Napansin ko ang pagtitig sa 'kin ng mga armado sa paligid at yumuko nang mapatingin ako sa kanila.

"Let's go, my Lady," saad niya at iginiya ako papasok sa loob ng mala-palasyo na mansion. And I can't help but to be amazed on the elegance of the place lalo na sa loob. Napatingin ako sa sariling damit and I'm sure it doesn't suit on this kind of my place. Jeans and a shirt? Ang nababagay sa lugar na 'to ay ang pagpasok ng babae na nakasuot ng elegante at napakagandang gown.

Angst Academy: His QueenWhere stories live. Discover now