Chapter 63 - Picnic

Magsimula sa umpisa
                                    

Binitawan lang ni Nathaniel ang kamay ko nang makarating kami sa garden. At hindi na ako nagtaka nang wala akong makitang ibang tao kahit na isa. Sigurado akong pinagbawalan niya ang ibang students na pumunta dito. May basket sa isa sa mga blencher.

May mat sa loob nang basket na siyang inilapag niya sa damuhan.

"Why did you suddenly want to have a picnic?"

Tiningnan niya lang ako sandali. Naupo siya sa mat tapos ay sinenyasan niya ako na maupo sa tabi niya.

"Masyadong maraming istorbo." Maikling sagot niya nang makaupo na ako sa tabi niya. Tapos ay inilabas na niya yung ibang laman nang basket.

"Ayaw mo ba dito?" malungkot na tanong niya. Naalarma naman kaagad ako. Mabilis pa naman magtampo.

"Of course not."

Ngumiti siya sa sagot ko. At hindi ko na rin napigilang ngumiti kaya tumagilid ako nang konti para hindi niya ako makita. God. Naadik na yata ako sa ngiti niya.

Kinain na namin ang dala niya. Balak ko pa sana siyang biruin na hindi masarap ang pagkain kaya lang naunahan niya ako. Tatanggalin daw niya sa trabaho yung chef kapag hindi ko nagustuhan ang pagkain.

Matapos naming iligpit sa basket iyong natirang pagkain ay bigla-bigla na lang niya akong hinila pahiga.

"Nathaniel!"

"Sssshhh. Inaantok ako. Huwag kang maingay."

At pumikit na nga siya. Akmang babangon ako nang niyakap niya ako nang mahigpit. Nakaunan ako sa isang braso niya samantalang nakatagilid naman siya paharap sa akin habang iniyakap niya ang isang braso niya. Nilingon ko siya. Nakapikit pa rin siya. Pero alam kong nagpapanggap lang siyang natutulog. Sobrang lapit niya sa akin. Kahit paghinga niya nararamdaman ko.

Kahit alam kung nagpapanggap lang siya ay nagulat pa rin ako nang bigla siyang nagmulat nang mga mata. Parang uminit bigla ang mukha ko at ang lakas nang kabog nang dibdib ko. Umiwas agad ako nang tingin. Tumingin na lang ako sa mga dahon nang puno sa itaas namin. Narinig ko siyang tumawa pero hindi ko pa rin siya tiningnan.

"Akala ko ba inaantok ka? Matulog ka na nga lang." singhal ko sa kanya na sa itaas pa rin nakatingin.

"Ang likot mo kasi, nawala tuloy ang antok ko."

Napalingon ako sa kanya pero binawi ko rin agad ang tingin ko. Nakatitig kasi siya sa akin tapos nakangiti pa siya.

"Malikot ka dyan. Ni hindi na nga ako makagalaw sa higpit nang yakap mo eh." Feeling ko lalo yata ako namula dahil sa sinabi ko. Hindi talaga ako nag-iisip.

"Why don't you look at me?"

"What?" tanong ko at the same time pinipigilan ang sarili dahil muntik ko na naman siyang lingunin.

"It's a required manner na tumingin ka sa taong kausap mo."

"Nathaniel naman eh."

"Ano?"

Sinubukan ko ulit bumangon pero mas lalo lang niya akong niyakap. Nafrurustrate na talaga ako. Saka parang mabibingi na rin ako sa lakas nang kabog ng dibdib ko. Tapos inaasar pa niya ako.

"Huwag ka kasing ganyan."

"Huwag ano?"

Hindi ko masagot ang tanong niya. Bakit nga ba? Bigla-bigla na lang nagkakaganito na ako. Nahuli lang naman niya akong nakatingin sa kanya. Tumagilid ako patalikod sa kanya. Naramdaman ko ang bahagyang pagbangon niya. Tapos nasa balikat ko na ang mukha niya.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon