"But happy birthday. I hope for the best things for you."

Natawa ako nang itulak siya ni Hendrix paalis. Buti na nga lang hindi sila nag-ramble-an. Nasanay na rin ako sa mga kilos nila at mukhang normal lang naman sa kanila 'yon. It's their way to bond.

"Hi. Happy birthday honeybee!" Bati sa akin ni Hendrix. I smiled back at pinatong ang kamay sa kaniyang balikat.

"You hurt my brother. Pareho kami but he has deeper feelings for you. But I'm not mad," saad niya. Kumunot ang noo ko.

"Hurt?" He nodded and pinched my nose. I pouted at umiwas sa kamay niya na kukurot sana muli.

"Hendrix nga!" Saway ka. He laughed.

"You're really cute and beautiful. Hindi ko akalain na anak ka pala ng isang mafia lord. Life is really unexpected."

Sumunod naman si Clarence na agad akong dinamba ng yakap.

"I miss you girl! Ganda natin ngayon lalo, ah! Inggit ako sa gown mo. Bwiset kasi si Sunshine, ayaw akong payagan na mag-gown," maktol niya.

"Bakit? Nagpaalam ka pa kay Sunshine?" I asked. Nanahimik siya at pumula ang pisngi. Umiwas siya ng tingin.

"Happy birthday. Wish you all the best. Alam kong sa ngayon nasa iyo na ang lahat pero gusto ko na habang buhay rin na na sa'yo ang happiness," he sincerely said. Napangiti ako at tumango.

"Salamat Clar. Salamat sa inyo. Thank you for being one of my bestfriends. Salamat sa lahat," saad ko. He pouted.

"Para ka naman aneng diyan. Basta love ka namin. Wait, may kanina pa atat sa tabi-tabi kaya I need to go na. Kahit sinabi ko na jumbo hotdog ang hanap ko masama pa rin ang tingin niya sa akin everytime I'm near you." Hinalikan niya ako sa pisngi bago mabilis na umalis.

Kumunot ang noo ko at naiwan sa gitna. Tumingin ako sa may likod at mabilis na pumintig ang puso ko nang makita si Greg na naglalakad palapit sa akin. He's wearing a black coat and polo paired with maroon tie. He's walking towards me while staring at me intently.

Hanggang sa nasa harap ko na siya. Inabot niya ang ika-18 na rosas saka dahan-dahan na gumapang ang kaniyang palad sa aking bewang at hinapit ako palapit sa kaniya. I can't take off my gaze on his perfect dark eyes. He licked his lips and smiled a bit.

"Happy birthday, kitten." His husky voice filled my ear. Kinagat ko ang labi at pinigil ang ngiti na nais gumuhit sa aking labi.

"T-thank you," bulong ko. Lalo niya akong hinapit palapit sa kaniya. My chest is already touching his lower chest at mahigpit ang kapit ko sa kaniyang batok. His hot palms are covering my back. Hindi man niya matakpan ng buo but I can sense how much he wants to cover it fully.

"Your back is already cold," he murmured. My face is already resting on his hard chest. I can feel his fast heartbeat.

"Oo nga. Pero magpapalit na ako mamaya," saad ko.

"Hmm..really?" He asked softly, "that black gown with deep cut? Iyon ba 'yon, kitten?" Malambing niyang saad. Parang matutunaw na naman ako sa boses niya. I licked my lips at tiningala siya.

"Yes," saad ko. He stared at me intently and his dark eyes are looking at my eyes thoroughly. It is perfectly piercing through my soul and heart.

"Sabi nila na sa'yo na ang lahat," saad niya. Napanguso ako at tumango. Pinigilan ko ang pagngiti dahil sa pagbigkas niya ng sa tagalog.

"Tama ka. Ang dami ng nagsabi," saad ko at tinignan siya pabalik. He bit his lip and stared at me playfully.

"Nah, not really. Hindi pa ako sa'yo. Hindi mo pa kasi ako inaangkin. Ariin mo na ako, Agape. And I'm more than willing to be yours," seryosong saad niya. Natigil kami sa marahan na pagsayaw at napatitig sa isa't isa. Parang puputok ang pisngi ko sa kakaibang nararamdaman sa dibdib.

Angst Academy: His QueenWhere stories live. Discover now