SPECIAL CHAPTER

43.2K 1.1K 510
                                    

DEDICATED TO:

©️ miss A. Jade
2017

©️ miss R. Ysa @ysangelic
2017


••••••


-Dr. Lovely Federico-



Habang naglalakad si Trixie papunta sa harap ng altar ay muling niyakap ng kalungkutan ang puso ko.

She looked so gorgeous and beautiful as always. Nakangiti siya ng maluwag habang kumikislap ang mga mata.

Nang dumaan siya sa kinauupuan ko ay nginingitian niya ako ng matamis at kahit nasasaktan ay ginantihan ko din siya ng ngiti.

Nandito ako ngayon sa California para saksihan ang pag-iisang dibdib ng babaeng hanggang ngayon ay mahal ko pa rin sa babaeng mahal nito. Kahit anong pagkonsola ko sa aking sarili ay walang anumang salita ang makakapawi sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Isang malaking kasinungalingan ang sinabi ko sa kanya noon na magiging okay lang ako pagkatapos naming maghiwalay, dahil sa totoo lang ay hindi. I'm still hurting inside. Mahal ko pa siya. No one can replace her in my heart. Hanggang ngayon hindi pa ako nakamove-on, kahit anong gawin ko ang hirap talagang mag-move-on. Hindi ko nga alam kung bakit ko tinanggap ang alok nila na saksihan ang kanilang kasal e, pakiramdam ko tuloy sinasaktan ko lang ng husto ang sarili ko.

Nanumbalik ang isip ko sa kasalukuyang nagaganap nang marinig ko ang bridal march mula sa organ. Halos lahat ng mga taong nandito ay nakatingin sa pinakadulo ng red carpet para saksihan ang pangalawang bride, maliban sakin.

Hindi ko kayang tignan si Ava nang hindi nagseselos. What I felt isn't just jealousy, but also envy. Kung ang nagmamay-ari ng puso ko ay si Trixie, si Ava naman ang nagmamay-ari sa puso ng mahal ko. Ang saklap diba?

Nang dumaan si Ava sa kinauupuan ko ay tumingin ako sa kanya. Kahit natatakpan ng manipis na belo ang mukha niya ay hindi ko maaaring maipagkamaling makita ang matamis niyang ngiti habang nakasentro ang paningin sa dulo ng aisle.

Sinundan ko ang direksyon kung saan nakatuon ang mga mata niya. Lalong bumigat ang kalooban ko.

Ava was looking at Trixie so lovingly while Trixie was doing it the same. Kitang-kita ko ang kakaibang kislap sa mga mata nila. By the looks, obviously nagmamahalan talaga sila.

Ang sakit, hindi ko kaya. Suko na ako.

"Excuse me, George." sabi ko sa bagong kaibigan na si Georgina. Katabi nito ang buong squad nila na naging close ko na rin.

"Where are you going?" Lindsay asked.

"I just need a little moment." honest kong sagot.

Kita sa mukha ng mga ito ang pag-unawa at marahil gets na nila ang ibig kong sabihin.

Hindi ko na kailangan habaan ang dahilan ko kasi alam naman nila kung ano 'tong nararamdaman ko ngayon. Actually hindi lang sila, halos lahat ng taong nandito sa kasal ay alam kung ano 'tong nararamdaman ko kaya hindi ko na kailangang magpanggap na hindi ako nasasaktan.

They all know that I'm Trixie's ex-fiancé.

Humahagulhol ako sa pagiyak ng makalabas ako ng Fernwood garden. Nasa parking lot ako.
Parang hinihiwa ang puso ko sa katotohanang ilang sandali na lang ay maging legal ng mag-asawa sina Trixie at Ava.

God help me. Sinikap kong tanggapin na walang patutunguhan 'tong damdamin ko kay Trixie, pero bigo ako.

Nakatungo ang ulo ko habang umiiyak. Mahapdi na itong mga mata ko pero parang walang katapusan ang pagtulo ng mga luha ko.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon