27 - Goals

21.8K 717 83
                                    



Sa isang rest house sa tagaytay ako dinala ni Trixie. Malaki at maganda ito, kitang-kita dito sa terrace ang malawak at kulay asul na dagat. Dalawang oras ang ginugol namin sa biyahe and i'm not sure kung safe ako rito. Natatakot ako baka mahanap ako ni James. Naalala ko yung pinag-usapan namin kanina. Sabi niya, kahit saang lupalop daw ako lalayo ay mahahanap at mahahanap niya parin ako. Knowing that devil, wala silang pinag-kaiba ni papa. Gagawa at gagawa talaga sila ng paraan para gawin ang isang bagay na gusto nila. And speaking of that, kanina pa din ako balisa. Paano ba kasi? naiwan ko si Flynn. Sa lahat ba naman ang pwedeng maiwan ay ang anak ko pa? For sure by now my daughter is looking for me.

"Love, ayos ka lang ba?" rinig kong tanong sakin ni Trixie. Tumabi siya sakin at inakbayan ako. Kagat labi ko siyang tinignan.

"I-I'm not."

"Wait hindi mo ba nagustuhan dito?" she looked worried.

"No that's not what I mean. Si Flynn kasi....naiwan natin. And i'm worried."

Saglit tumahimik si Trixie at nag-isip. "Kung balikan na lang kaya natin siya?"

"No hindi. Kapag babalik tayo doon baka makita nila ako."

Mukhang na-realize niya naman agad yun. Bumuka ang bibig niya para sana magsalita pero sa huli ay hindi natuloy. Ako naman ngayon ang natahimik at nag-isip. Kapagkuwan may pumasok sa isip ko kaya't dali-dali kong tinawagan si Lindsay. Tatlong beses nag-ring yun bago nito sinagot.

"Hello, Ava?" my cousin answered.

"Lind, I need your help asap." pumasok ako sa loob ng kuwarto saka umupo sa kama.

"O bakit anong nagyari?"

Ini-kuwento ko sakanya ang lahat ng nangyayari. Simula 'nong kay James at sa ginawa naming pagtatanan ni Trixie. Tulad ng inaasahan ko ay nagulat siya and at the same time nagalit.

"At iniwan n'yo pa ang pamangkin ko!?" inis niyang singhal sa kabilang linya. "Paano kong mapunta siya sa kamay ng demonyong lalaking yun ha?"

"Kaya nga tinawagan kita, kailangan ko ang tulong mo. Kunin mo si Flynn sa bahay hangga't maaga pa. Make sure na hindi malalaman nila mama 'to, lalo na kay James. Ayokong mangyari 'yung sinasabi mo."

Lindsay sighed. "Alright, saang bahagi ng pilipinas ba kayo ni Trixie nag-tanan?"

"Sa tagaytay. Luciana paradise."

"Okay, i'll be there right away."

Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ng pinsan ko. Kahit papano nawala yung takot sa aking dibdib. "Thank you so much, Lind. I owe you a lot."

"You're welcome. Huwag na kayong mag-alala, basta mag-ingat lang kayo ni Trixie 'dyan."

"We will."

"Sige." inend na niya ang tawag. After ng call namin, ang yaya naman ni Flynn ang tinawagan ko.

"Ma'am Ava?"

"Nessy,"

"Ma'am ikaw nga! Nasaan na ho ka'yo? Si Flynn kasi ayaw tumigil sa kakaiyak. Hinahanap ka."

"Shhh. Hinaan mo boses mo. Nasaan siya ngayon?"

"Nandito lang siya sa kuwarto niya. Nag-paiwan. Ayaw niya kasing sumama sa mama at papa niyo. Ayaw niya rin sa daddy niya kaya inatasan na lang nila akong bantayan siya."

Nakahinga ako ng maluwag. "Nessy, ayusan mo siya ngayon. Pack her things. Susunduin siya ng Tita Lindsay niya diyan."

"Sige sige ho. Ano pa?"

"Let me talk to her."

"Sige po." sagot nito. "Flynn, mommy mo."

"Mommy?" anang maliit na boses ng anak ko. "Mom?" aniya sa kabilang linya.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now