EPILOGUE

37.9K 878 245
                                    


Third person's POV




PUNONG-puno ng mga nag gagandahang bulaklak ang Fernwood Garden. Isa iyong kilalang venue ng kasal sa California. Maririnig sa paligid ang huni ng mga ibon na malayang lumilipad at nakikiisa sa katuwaan ng mga bisita.

Ava looked so beautiful on her classic Victorian wedding gown na ipinagawa pa mismo sa isang sikat na fashion designer. Ganon din si Trixie sa suot nitong Michael Sinco designed wedding gown. Both of the brides are equally gorgeous. Bakas sa mukha ng mga ito ang matinding kasiyahan.

Kasalukuyang ngayon magkaharap ang dalawa, malawak ang ngiti habang nagsusumpaan ng katapatan at pagibig sa isa't-isa. After the heartwarming exchanging of vows, they both shared their first kiss as a married couple.

Naluluhang napatingin si Ava sa mommy niya na ngayon ay nakaupo na sa wheelchair. Nginingitian niya ito. Kahit hindi na nito maigalaw ang kalahati nitong katawan ay mababakas pa rin sa mukha nito ang labis na kaligayahan para sa kanila ni Trixie. Hindi akalain ang taong tutol noon sa relasyon nila ay nandito para tuklasan ang pagiisang dibdib ng kanyang mahal. Nasa tabi nito ang ama niya na tulad ng ina ay labis din ang kaligayahan. And as for Trixie's parent's, walang silang naging problema sa mga ito, sa katunayan ay tumulong ang mga ito sa kasal.

Nandito rin ang kanilang mga kaibigan. Si Lindsay at Beatrice ang tumatayong maid of honor, meanwhile Georgina's daughter Shannon and Isabelle's daughter Ailee are the flower girls.

As for Lovely, labis ang tuwa nila nang dumali ito sa kasal. They thought she would never come, yun pala nahuli lang ito sa flight. She is now part of the group and Georgina is her new found bff.

The wedding was a great success, both Ava and Trixie are happy.

After the ceremony, deretso ang lahat sa reception hall. Puno ng kasiyahan ang buong gabi, especially when everyone gathered around para sa tossing of the bouquets.

Ava's bouquet landed on Isabelle's lap habang yung kay Trixie naman ay di-inaasahang dumapo sa harap mismo ni Cara. Parehong nagulat ang dalawa na tila hindi makapaniwala. Natawa naman ang mag-asawa. May susunod na aabangan. ❤️

"Having a great evening Mrs. Avallaine Marie Isidro-Villanova?" Trixie asked her wife.

"Hey hey hey behave." suway ni Ava rito nang halikan siya nito sa batok. Trixie was grinning widely at her kaya naman pinandilatan niya ito. "Bakit ganyan ka makangiti ha?"

"Bakit masama ba?"

"Ikaw, Trixie ha. Hindi ibig sabihin kasal na tayo pwede ng ganon, may limit."

"Ano po yung ganon? Saka ano po yung may limit?" inosenteng tanong nito na wari hindi alam kung ano ang tinutukoy niya. Hinapit siya nito sa bewang at ninakawan ng halik.

"May I remind you, Ms. Villanova that we're not alone here?" Ava said in a bossy kind of way.

"Love, hayaan mo na silang mainggit. May lisensya na tayong maglambingan kahit kailan natin gusto." Sagot nito habang pasimple ulit siyang hinalikan.

"Ang harot mo."

"That makes us perfect. Di ba pareho lang naman tayo?"

"Excuse me, hindi kaya." mahina niya itong sinapak sa braso.

"Aray love, grabe ka naman. Wala pang 24 hours yung pagiging legal natin ang bully mo na sakin." Reklamo ni Trixie sabay haplos sa braso nitong medyo nasaktan.

"Kasi ganyan tayo, Trix." singit ng isang boses. Pareho silang napatingin sa pinanggalingan 'non. It was Samantha. Ang laki ng ngisi nito.

"Hi," bati ni Trixie rito nang makalapit ito sa kanila.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now