33 - Move on?

21.8K 750 161
                                    




"Even the sunset reminds me of her," wika ko habang nakatitig sa papalubog na araw. Nasa cliff side ako habang nakatayo sa ibabaw ng malaking bato. Kanina pa'ko dito at wala pa akong balak umalis. "This is so hard, everything reminds me of Ava. Everywhere I look, she's there. Even when I close my eyes, nakikita ko pa rin siya. Ang hirap ng ganito, ano bang gagawin ko?"

"Mag move on ka." yun ang narinig kong sagot ni Cara. Napalingon ako sakanya. Nakaupo siya sa trunk ng kotse niya habang hawak ang isang vape. Si Cara ang niyaya kong lumabas ngayong araw dahil siya lang din ang hindi busy.

"Hindi ko kaya." sabi ko sa malungkot na tono.

"E di kayanin mo."

"Paano?"

"Ibaling mo ang atensyon mo sa ibang babae." Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Hindi ko yata kaya gawin 'yon."

It's true, move-on nga hindi ko kayang gawin, 'yon pa kaya? I think I can't imagine myself loving other woman except Ava.

"Well it's about time para gawin mo 'yun." Bumaba si Cara mula sa trunk at lumapit sa kinaroroonan ko. Inakbayan niya ako. "Alam mo, gusto kitang suntukin ngayon."

Napakunot-nuo ako. "Bakit naman?"

"Para magising ka na sa katotohanang wala kanang pag-asa kay Ava."

Medyo nasaktan ako sa sinabi niya, pero totoo naman. Kumuwala ako ng malungkot na buntong-hininga bago ininom ang hawak kong beer-in-can. Pang lima ko na 'to. Hanggat maari tuwing okasyon lang ako tumitikim ng alak. Hindi rin ako lasenggera pero sa mga sandaling 'to ay nais kong lunurin ang sarili ko sa alak para mawala 'tong sakit na hanggang ngayon ay ramdam ko parin. Medyo sumakit na rin yung ulo ko pero mas masakit ng isang libong beses ang puso ko.

"Look, Trix, hindi mo ba napansin? Sa loob ng relasyon niyo ni Ava, ikaw 'tong palaging kawawa?"

I shook my head, un-aware. "Hindi ko napansin 'yon."

"Well at least, alam mo na. Ilang beses ka na ba niya sinaktan?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko naman binilang."

"Tsk, ano ba 'yan." Kumalas si Cara mula sa pag-akbay sa akin. "Buti pa ako alam ko. Anim na beses, bruh. Alam mo ba 'yun?"

Once again, I shook my head. "Nope,"

Pina-ikot ni Cara ang mata niya. "Eto 'yun oh. Una; nasaktan ka dahil akala mo mutual ang feelings nyo ni Ava sa isa't-isa, iyon pala hindi. Pangalawa, noong nalaman mong nabuntis siya. Pangatlo, 'nung ni-reject niya yung pag-propose mo. Pang-apat, noong malaman mo ang tungkol sa fix marriage nila ng daddy ni baby Fionna, yung James. Panglima, umalis siya sa rest house. Pang-anim, nalaman mo noong isang linggo na ikakasal na siya kay James. Tangina ka, Trix. Nakaya mo 'yun? Oh ano? Handa ka ba sa pang-pito?"

Hindi ko nagawang sumagot.

"Grabe ka, ang tindi mong magmahal. Kahit nasasaktan na, sige parin. Lika ka nga dito." Sabay akbay ulit sa akin. "Listen okay? There are seven thousand one hundred seven islands dito sa pilipinas. Ang daming babae dyan kaya mag-hanap ka, huwag kang mamomoblema sa isang taong hindi ka naman kayang ipaglaban. Find another woman that will love you more. Yung klaseng babaeng kaya kang ipakilala at ipagmalaki sa pamilya niya, yung klaseng babaeng kaya kang ipag-sigawan sa buong mundo na ikaw yung taong mahal niya. Putcha ka, tama na nga 'yang inom-inom na 'yan." Sabay kuha sa hawak kong beer na akma ko sanang iinumin. Hinagis niya yun palayo bago ulit humarap sa akin. "Single ka na, Trisha kaya tanggapin mo na ang katotohang 'yan. Kaya tara, let's go. Tutulungan kitang mag hanap ng panibago mong girlfriend na puwedi na maging wifey."

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now