24 - Flynn's dad

31K 776 119
                                    



"Go to sleep already," bulong ko kay Trixie.

"I can't. Gusto lang kitang titigan."

"Hindi ka ba napapagod?" I asked while caressing her smooth skin.

"Nope," her voice remained husky despite of the exhaustion she felt. Pareho kaming nakahiga sa sofa pagkatapos ng mainit na pinagsaluhan namin. Nakaunan ang ulo ko sa isang braso niya habang ang isang braso niya ay nakayakap sa beywang ko. Tanging maliit at maninipis na towel lang ang naka-takip sa hubad naming katawan.

"You should be sleeping by now, bukas na ang flight natin pabalik ng pilipinas."

"Alam ko. E sa gusto talaga kitang titigan? I can't sleep knowing that you're still naked right next to me."

"Love..." my cheeks reddened. Mahina ko siyang kinurot. "Suit yourself, basta ako matutulog na." Ipinikit ko na ang mata ko at saka nag-dramang natutulog. Narinig ko ang mahinang tawa niya at ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.

"I love you so much, Avallaine." Humigpit ang pagkayakap niya sakin. "I can't live without you. Masasaktan talaga ako kapag mawala ka sa buhay ko. Bukod sa family ko, Ikaw at si Flynn ang nag-papasaya sa akin. Kayong dalawa ang insipirasyon ko. I'm so lucky to have you both, mahal na mahal ko kayong dalawa."

Those words make my heart leap.

"I love you too, love. Sobra..." buong pusong sagot ko.

Trixie pinched my cheeks before staring at me again. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Nakita ko ang paglunok niya.

"Love..." Trixie's voice suddenly became hoarse. "Can i?"

I nodded as a response.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sakin at saka inangkin ang labi ko. I automatically closed my eyes.

Our kiss was gentle, almost like a feather light caress. Tatak sa puso ang bawat paghagod ng labi namin sa isa't-isa. It's light yet full of passion. Punong-puno ng pag-ibig.

"You're like air, love. Kailangan kita para mabuhay. I just love you so much," Ikinis-kis ni Trixie ang ilong namin. "And you will make me even happier kung papayag kang dalhin ang pangalan ko."

Saglit akong natigilan. "W-what do you mean?"

"Will you marry me? Alam kong nag propose nako doon sa wedding reception nila Samantha at Georgina, pero gusto kong ulitin 'yon. Sa pinas ko sana gagawin ulit ang formal proposal ko, kaso masyado akong excited sabihin 'to sayo ngayon."

I was speechless for a second. So may plano talaga siyang pakasalan ako....my heart melted. Bigla akong napa-hikbi.

"Love? Bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba ako maging asawa?" bigla siyang nataranta.

"That's not what I meant, silly." Natatawang pinunasan ko ang luhang kumuwala sa aking mga mata.

"Kung ganon bakit ka umiiyak?" nandon parin ang kaba sa boses niya.

"Tears of joy." pagtatama ko.

"Aww, ang cute naman ng mahal ko." Hinalikan niya ang noo ko. "So is that a yes?"

"Why of course! How can I say 'no' when you are my life? Hindi ko nakikita ang sarili ko sa piling ng iba, sayo lang. I love you Trisha Maxine. So yes, I'll marry you!"

Malawak ang ngiti ni Trixie. Ang mga mata niya ay kumikislap sa saya. "Can we have our honeymoon in advance now?"

"Ang naughty mo talaga." gigil kong pinisil ang ilong niya.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon