32 - Sober

22K 762 197
                                    



"Hoy, Trix." mula sa pagtitig sa hawak kong baso ay nag-angat ako ng mukha sa aking mga kaibigan.

Lahat sila'y nakatingin sakin and all of them wear the same expression. Nasa loob kami ng Maxine's. Actually pinilit lang ako ng mga ito gumala ngayong gabi. Ayoko sanang sumama kaso sabi ni Bea kailangan ko raw libangin 'tong sarili ko since isang buwan na daw akong nagkukulong sa loob ng condo ko.

"Ano 'yon?"

"Tangina 'to kanina pa kami nag-sasalita dito tapos hindi kapala nakikinig?" ani Czarina.

"Sorry. Ano nga pala yung pinag-usapan niyo?"

Hindi sila sumagot bagkos ipinag-patuloy lang nila ang pagtitig sa akin which I find it very irritating.

"Guys, stop it." sita ko.

"You looked like an aged woman." komento ni Cara. "Ayusin mo nga yang posture mo. Daig mo pang matanda sa tindig mo."

Napa-bugha ako ng hangin saka umupo ng maayos.

Tama si Cara, bagsak pareho ang balikat ko at hukot pa ang likod ko. I can't help it, i'm in pain. Nandito nga yung katawan ko pero 'tong puso't isip ko ay nandoon kay Ava. Isang buwan na ang lumipas mula 'nong magkalayo kami, at sa loob ng mga araw na 'yon ay walang sandaling hindi ko siya iniisip. Isang buwan na kaming walang communication and I miss her so damn much. Walang oras na hindi ko siya nami-miss. Everyday I tried to reach for her but I always failed. Feeling ko mas lumalala pa 'tong nararamdaman kong pangungulila sakanya ng dahil dito.

"Come on, Trix. Kahit ngayong gabi lang mag-saya ka naman. Palagi ka na lang ganyan, pati nga kami namomoblema na sa'yo."

Lumingon ako kay Themarie na siyang nagsalita. Tipid ko itong nginingitian bago tumayo at saglit nag-paalam. Dumeretso ako sa head office ng Maxine's para kunin ang phone ko. Umupo ako sa couch at hinanap ang number ni Ava. Hindi parin ako nawawalan ng pag-asa; I'm still hoping na makakausap ko siya kahit isang minuto lang.

I pressed the call button hoping for her to answer, but as I expected cannot be reach parin siya. Napabuntong-hininga ako.

Maybe Ava just needed some time to fix her problems kaya siguro ayaw niyang mag-paestorbo. Naintindihan ko 'yon.

Inilapag ko ang phone ko at tumayo. I was about to leave when my phone suddenly rings. Mabilis akong lumapit sa table para kunin yun. Para akong nabunutan ng tinik nang makita ang pangalan ng babaeng mahal ko.

"Love," agad kong sagot sa kabilang linya.

"Trixie..."

Oh god. Napapikit ako. I've been dying for this moment to come, hearing her voice again. Now I'm missing her more so badly. Ngayon at narinig ko na ang boses niya, halo-halong emosyon naman ang naramdaman ko ngayon.

"Ava..." mahinang usal ko. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili na hindi humikbi. But I couldn't control it, tuluyan ng umalpas ang luha sa'king mga mata.

Tinakpan ko saglit ang speaker at bumuga ng hangin para kahit papano ay mapaluwag ko 'tong paninikip ng dibdib ko.

"Hi love" bati ko sakanya. Pigil na pigil ako sa emosyon ko.

"I miss you." agad na sabi niya ngunit may halo yung lungkot.

"I miss you more love. I miss you so much. Hindi mo lang alam kung gaano ako nangungulila sa'yo."

"T-trix..." she choked a bit.

"H-how are you?" i asked.

"Do you want me to lie?"

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now