43 - Flynn's Magic

25.9K 879 1.1K
                                    


Dalawang linggo na ang nakalipas at talagang pinanindigan ko ang pagiwas kay Ava. Pero sa loob ng mga linggong 'to ay sobra ko naman siyang nami-miss. Yung tipong araw-araw kong hinahanap-hanap ang presensya niya, umaasa din ako na sana kahit saglit lang ay makita ko siya. Fuck this feeling.

One time, I tried to call her pero nalungkot ako ng hindi niya ito sinagot. Ilang beses akong paulit-ulit nag call sa kanya kaso ayaw niya parin talagang sagotin. It was frustrating. I hate the fact that she ignores me, pero kung tutuusin dapat ikasiya ko 'yon dahil siya na mismo ang lumayo sakin. Pero bakit ba ako nalulungkot? Mukhang tinupad niya talaga yung sinabi niya na hindi niya na ako guguluhin pa.

I miss her, I really do. Half of my heart is looking for her. Gusto ko siyang makita kaso hindi pwede. I made a promise to Lovely at ayokong sirain itong tiwala na ibinigay sakin ng fiance ko kasi kapag nasira ko 'to wala na akong chance at ayoko rin namang mangyari 'yon.

Nandito ako ngayon sa Shangri-La Hotel, kasalukuyan ngayon dinadaos ang isang event. Supposedly kasama ko si Lovely kaso kinailangan nitong magpaalam kasi tinawagan ito ng staff ng Federico hospital para sa isang importanteng doctor's conference. So now it leaves me and my friend Cara here.

Habang nakikinig kami sa master of ceremony, nahagip ng mga mata ko ang dalawang couple na pumasok sa loob ng entrance door. Agad sumikdo ang puso ko nang malamang si Ava yun.

Invited din pala siya. And she looks so beautiful and elegant on her long designer's gown. Pero agad din akong natigilan nang makita ang kasama niya. Who the fuck is that guy? Magkasama silang dalawa habang nakipag-shakehands sa mga bisita.

Mataman kong tinignan ang lalaki. Kaya pala pamilyar, it was Damon Lazaro. He was that guy who tried to court me back then but failed dahil binasted ko. Sa pagkakaalam ko ay boy best-friend ito ni Ava, pero bakit nito inakbayan si Ava na tila ba ito ang boyfriend? Hindi ko gusto ang paraan ng pag-akbay nito sa balikat ng dalaga. He was caressing her skin and I hate it. How dare him for touching her like that? Nabubuwesit ako sa nakikita ko, nakakataas ng dugo.

You moron! Let go off my girl!

Nagtagis ang bagang ko. Damn it, nagseselos ako. Ayokong nakikitang may ibang humawak kay Ava ng ganun kundi ako lang. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin na ibinigay ko kay Damon ngayon, malamang sa oras na 'to taob na ito.

"Hoy." napapitlag ako nang sikohin ako ni Cara. Napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang napakunot-nuo, marahil napansin niya yung pagdilim ng mukha ko.

"Bakit?"

"Anong nangyari sa'yo?"

"Wala. Don't mind me."

Umangat ang isang kilay niya at pagkatapos bumaba ang tingin sa hawak kong wine glass. Ngayon ko lang na-realized magigpit pala ang pagkahawak ko.

"Strong ah. May problema teh?"

"Wala." Binitawan ko ang wine glass at ibinalik ang tingin kina Ava at Damon.

Sinundan ni Cara ang direksyong tinitignan ko at mahinang natawa. "Now I know why." she looked back at me, grinning. "Akala ko ba, naka moveon ka na?"

I stared at her, mukhang alam na niya kung bakit ako nagkakaganito.

"Hindi ako nagseselos." deny ko.

"I didn't say you were. But it looks like you are."

"Hindi nga ako nagseselos." giit ko.

"Mukha mo, Trixie. Ikaw padeny-deny ka pa e obvious ka naman. Tumayo ka nga, sugurin mo. Mag-go signal ka lang kung kailangan mo ng backup. Don't worry, reresback agad ako." she joked.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Där berättelser lever. Upptäck nu