37 - Sweet moments

24.8K 803 613
                                    



Kinaumagahan nagising ako na wala si Lovely sa tabi ko. Isang long stem rose ang pumalit sa puwesto niya. Inabot ko ito at inamoy.

Hmmm smells like her. Bumangon ako saka lumabas ng kuwarto. Nadatnan ko siyang abala sa kusina. I think she's cooking breakfast.

Dahan-dahan akong lumapit sakanya at niyakap siya mula sa likuran. Napa-ingtad siya sa gulat pero agad ding nakabawi nang makita ako.

"Good morning, baby." bati niya.

"Good morning, mahal." I kissed her shoulders.

"It's still early, bakit gising ka na?" she turned off the gas stove bago humarap sakin. "Go back to sleep, late ka ng nakatulog kagabi."

I buried my face on the side of her neck. "I can't go to sleep unless katabi kita."

Lovely suppressed a soft laugh. "Baby, I can't go back to bed, kailangan ko kasing pumunta sa hospital ngayon, Dr. Cuenca called me earlier."

Nag-angat ako ng tingin. "Aalis ka?"

"Yep, I'll be gone for 3 hours."

I pouted. Duty calls. Gusto ko pa naman sana siyang masolo ngayon, at ngayon ko lang napansin naka-ready na siya. She's already wearing her purple tunic dress na pinaresan ng flat strip sandals. Her get-up was simple yet she still looked gorgeous and sexy on it. Muli ko na lang ibinaon ang mukha ko sa leeg niya.

"Don't leave me." lambing ko.

"But baby i need to go to work, babalik naman agad ako e."

Nag-drama akong umiiyak. "Sama na lang ako sayo."

Natawa ulit siya. Sinapo niya ang pisngi ko saka ako nginingitian. "No, dito ka lang, for sure mabo-bored ka lang doon."

"Pero gusto ko paring sumama sa'yo." parang batang hiling ko.

"Trix, stay ka lang dito." dinampian niya ng tatlong smack kisses ang labi ko. "Be a good girl. Promise, I'll be back by twelve."

"Ah ayaw." nag-pout ulit ako.

"Baby I love your cuteness, pero hindi 'yan tatalab sa akin ngayon."

"Fine, I'll stay."

"Good. Mag-breakfast ka na okay? I have to go." she tiptoed and kissed me on the cheeks.

"Ayaw mo bang mag-pahatid?"

"It's okay, kaya ko naman."

"Are you sure?"

"Yep, I'll be just fine." she gave me an assuring smile.

"Alright," niyakap ko siya ng mahigpit. "Take care, mahal. I love you."

"I love you too. I'll be back." Nagpaalam na siya saka lumabas ng condo.

Mag-a-alas otso pa lang ng umaga, after kong mag-breakfast at maligo ay bumalik ako sa kuwarto at humiga ulit sa kama. Niyakap ko ang unan ni Lovely saka ito inamoy.

Hmm. Her sweet scent is still there, hindi nakakasawa amoyin.

I spend half-an-hour hugging the pillow at hindi ko namalayang nakaidlip ako. Nagising lang ako dahil sa sunod-sunod na pag-beep ng phone ko. Pikit mata ko itong inabot saka binuksan.

It was a message from Lovely.

From: Mahal ko♥
Baby, Huhuhu

Napakunot-noo ako. Huhuhu? Anong nangyari? Mabilis ko siyang tinawagan.

"Baby..." Lovely answered the other line, she was sobbing. Nag-alala ako.

"Mahal, what happened? Anong ibig sabihin ng Huhuhu?" bumangon ako sa kama at tumayo.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now