08 - Fall

36.5K 1.1K 84
                                    

AVA


I never like weddings, I found them so boring. Kung mayroon mang bahagi sa kasal na gusto ko, 'yon ay ang pagkakataon na makapagsuot ako ng gown lalo na kung kasama ako sa wedding entourage.

Naging bitter na ako pagdating sa mga ganitong bagay ever since nangyari ang kadramahan ko sa lovelife. After the heartbreak my ex gave me, I started to hate weddings.

Kasal? More like sakal. Vowing on each other till death do us apart? Oh please, walang forever!

Today is my friend's wedding day. Nakatakda itong ikasal sa lalaking nakilala nito sa isang charity event sa Malaysia. Pink and gold ang motif ng kasal, so I wore a baby pink halter top gown na floor-length ang haba. Chiffon ang tela nito at may golden silk detailing pa sa baywang. I also wore a three-inch Christian Loubotin heels so I towered over the other girls who were part of the entourage.

Inip akong tumingin sa paligid. Ako na lamang sa mga secondary sponsor ang walang partner. Magiging partner ko si Geoff Monseretti, one of my close friends and Georgina's brother. Actually hindi naman ito ang magiging partner ko. Ayon sa invitation, si Timothy Ladesma ang dapat maging kasama ko sa pagkabit ng viel sa bride at sa lalaking magiging kabiyak nito. Pero masyadong atribida 'tong si Isabelle. Matagal na kasi niya akong mina-match make sa nakakatandang kapatid ni Georgina.

Well, ang hindi alam ni Belle ay may affair na kami noon ni Geoff. Like four years ago? Yeah, but in the end we both decided to remain friends. Matagal na yun, and that was the time i haven't met my ex yet.

Dumaan sa harap ko ang isang wedding coordinator, magalang itong humarap sakin saka ngumiti. "Hi, ma'am Ava, Mr. Monseretti will be here any minute now. He's already on his way."

I simply nodded and let out a sigh of impatient. Kaysa mainis at mag-reflect pa sa aura ko ang nararamdaman kong pagkapikon ay ibinaling ko lamang ang pansin ko sa mga suot ng mga bisita. I judged them one by one.

Natigil lang ang pag-i-scrutunize ko sa mga damit nang may bultong tumabi sakin. No need to guess who. Anyways, nasa tabi ko na pala ang lalaking kanina ko pa hinihintay, malawak ang ngisi nito.

"What's with the weird smile, Mr. Monseretti?" i asked, weirdly.

"I just met a hot chick lately, doon sa Starbucks." he replied.

"Lucky you then, who is this lady?" itinuon ko atensyon ko sa unahan, nagsimula na kasi ang seremonya ng kasal.

"You know her; she's an actress, remember Trixie Villanova?"

Nawala bigla ang ngiti ko. "Don't you even dare, Geoff." masama ko siyang tinignan. Bwesit! Sa lahat ba naman ng babae si Trixie pa? She's off limits. Kahit hindi pa kami official ay may mutual understanding na kami.

And speaking of Trixie, I miss my bratty girl. Kanina lang bago ako makarating dito sa convention ay nakatangap ako ng mensahe sakanya. I couldn't hide my smile upon remembering all the sweet messages she send to me. Naman kasi e, kinilig kaya ako.

"Huh? What do you mean by that?" Geoff asked in confusion. I glared at him.

"Huwag mong isali si Trixie sa listahan ng mga naging babae mo, try do date her and our friendship will be over."

He grinned mischievously. "Look at we had here, tell me, nai-pluwesyahan ka na ba ng kapatid ko?"

"What?" napakunot-noo ako.

"Oh nothing." he smirked.

"Tsss." I rolled my eyes at him. Muli ko na lamang ibinalik ang atensyon ko sa unahan.

"I'm still courting her by the way." he teased.

"Oh no you won't." inis kong inapakan ang paa nito dahilan para mapahiyaw ito sa sakit.

"Ouch!"

"Umayos ka kasi." asik ko sa galit na tono.

"Alright, Chill okay? Jeez I was just joking. You sound like a possessive girlfriend."

"Shut up, she's my friend, that why."

"Weh? Friend daw? E para ka na rin yatang nahawa sa kapatid ko e."

"For pete's sake, Geoff, will you cut it out?"

Agad naman itong tumahimik pero nandon pa rin ang ngiting pilyo nito.

The wedding ended smoothly. After the ceremony hindi nako umattend sa reception, dumeretso na ako sa naka-schedule kong pictorial ngayon. I was already 30 minutes late, buti na lang at mabilis kong nabola ang manager ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pictorial nang may natanaw akong pamilyar na mukha sa di kalayuan. Agad tumibok ang puso ko nang masilayan ang magandang mukha ni Trixie.

"Miss Ava, face the camera please." untag sakin ng photographer. Agad ko namang ibinalik ang tingin sa camera ngunit hindi ko na magawang makapag concentrate. Trixie's presence affects me lalo na't mataman siyang nakatingin sakin while wearing that irristable smile on her lips.

Mukhang napansin ng photographer ang pagka balisa ko kaya't binigyan ako nito ng break. Pumasok ako sa dressing room at kumuwala ng buntong-hininga.

"Hey."

Napa-ingtad ako sa gulat dahil sa tinig na yun ni Trixie. Paglingon ko, nakita ko na siyang prenteng nakasandal sa hamba ng pinto. Pinasadahan ko siya ng buong tingin. She's wearing a black shorts top with a grey shirt; she's also wearing an addidas superstar shoes. Naka messy bun ang buhok niya habang may nakasabit na earphone sa isang tenga. Her get up is simple yet attractive.

"Done checking me out?"

Agad kong ibinalik ang atensyon sa kanya. "H-hi" kinakabahang bati ko. Again, my heart's starting to beat fast.

Lumapit siya sakin saka binigyan ako ng magaang halik sa pisngi. "Galing ako sa taping, I had a 30 minutes break kaya binisita kita dito."

Nakadama ako ng kilig. Nabangit ko kasi sakanya kanina na may photoshoot ako ngayon. Hindi ko akalaing bibisitahin niya ako.

"Thank you, how was your taping?"

"It's fine, though we need to do some extensions. I have to go now."

"What? aalis ka na? kakadating mo lang ah."

"Tumakas lang po ako, 30 minutes lang yung break ko."

Hindi ko maiwasang malungkot. Akala ko pa naman mag-tatagal siya.

"Love, don't be sad, okay?" she pinched my cheeks. "I'll call you later."

Love. My gosh.

"Ahm..sige...ang daya mo aalis ka na."

"Uy mami-miss niya ako."

Natawa ako ng mahina. Ang cute niya talaga letche. Mahina ko siyang kinurot bagay na ikinatuwa niya naman.

"Bye love," paalam niya sabay kindat.

"Ingat ka."

"For you, i will."

Hindi mawala ang ngiti ko habang sinundan siya ng tingin. There's something about Trixie that always gives me a reason to smile. Mula sa mga simpleng hirit niya, mula sa sweetness niya, mula sa pagiging maharot niya sakin ect. Nagbibigay yun ng kakaibang kilig sa puso ko.

I think.....

I think i'm falling for her.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now