13 - Signs

30.3K 865 223
                                    

AVA


Dalawang buwan na ang lumipas at kinakabahan ako, ilang umaga na kasing hindi maganda ang pakiramdam ko. I missed my monthly periods. Ayoko sanang bigyan ito ng meaning pero hindi ko maiwasang matakot. Dalawang bagay lang ngayon ang nasa isip ko. It's either my monthly period came late or....I am now carrying James's child.

Kahit hindi ko pa makumpirmang may nabuo sa gabing namagitan sa amin ay hindi ko maiwasang kabahan. I'm scared to the idea of being pregnant, I can't imagine myself having a baby. I'm scared because I'm not ready, not ready to face any obligations and responsibilities. Kaya naman ayokong isipin na may posibilidad na buntis ako.

I read some articles about signs of pregnancy last night and thank god di ko naranasan ang mga symptoms na 'yon. Kahit papano ay nakadama ako ng konting relief.

Kasalukuyan akong nasa set ng taping at abala sa pagbabasa ng scripts. Ngunit kahit anong pag-concentrate ko ay hindi ito nag sisink-in sa utak ko. Uncomfortable ako at hindi mapakali. Masakit ang ulo ko at mabigat din ang pakiramdam ko. Nasa ganitong eksena ako nang madatnan ako ng isang production staff. Lumapit ito sakin na may bahid na pagaalala.

"Miss, Ava? Are you alright?"

"Yes i'm fine." agad kong sagot.

"Sigurado ka po?"

I nodded and smile forcedly at him. "It's just a simple headache, nothing to worry about."

"Gusto niyo po bang tawagin ko ang manager niyo?" bakas parin ang concern sa mukha nito.

"No need, but thank you."

"Sige po. Tawagin niyo nalang kami kapag may kailangan ka'yo."

"I will,"

Umalis na ito at bumalik sa pwesto nito, ako naman ay tumayo at nagtungo sa dressing room para mag palit ng wardrobe.

Habang namimili ng mai-susuot ay napaingtad ako sa gulat nang biglang may kumatok sa pinto. I almost forgot. These past few weeks napansin kong magugulatin na ako. Gosh, hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sakin, nag-simula lang naman ito mula 'nong nangyari ang-----

I quickly shook my head. I don't want to remember that.

Paglingon ko sa pinto, pumasok doon ang isang pigura ng babae. Hindi nakikita ang mukha niya dahil natabunan yun sa bitbit niyang malaking bouquet na bulaklak. A soft smile appeared my lips. No need to guess who, isang tao lang naman ang mahilig mag-bigay sakin ng mga bulaklak.

"Trixie," I called my girlfriend's attention. "I know it's you."

"Hi love." bati naman sakin ni Trixie, lumapit siya saka ibinigay ang dala niyang bulaklak. "Roses for my beautiful lady,"

"Awwe." tinanggap ko ito at saka inamoy. "Thank you my pretty prince charming."

She leaned in and plant a soft kiss on my forehead. "How are you today?"

"Still sexy," nakangiting sagot ko.

"I agree." Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ganda talaga ng mahal ko, pa kiss nga sa lips."

Mahina akong natawa bago inilapit ang labi ko sa kanya, I gave her a soft tender kiss. Smack lang yun pero sapat na ito para maghatid ng ilang boltahe ng kuryente sa aking katawan.

"By the way love, huwag mong kalimutan mamaya ha?" aniya habang inilibot ang mga braso sa akin.

"Mamaya?" saglit kong inilayo ang sarili ko sakanya. "Ano bang meron mamaya?"

"Love it's Friday, remember?"

"Oh." Napahagikhik ako. "Night out with the girls,"

"Yup, kaya dapat present ta'yo lahat."

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora