07 - Starting

36.4K 1K 78
                                    

TRIXIE




Ngising-ngisi ako habang lulan ng elevator patungo sa condo unit ni Cara. Nagtext kasi ito sakin na gustong sumabay papunta sa LaCuisine; isang French restaurant. Sinabi ko kasi sa kanya na niyaya ko si Ava na makipag date at natuwa naman siya sa balita.

Nang marating ko ang unit ay hindi nako nag-abalang kumatok. Dere-deretso akong pumasok at pumunta sa bedroom ni Cara kasi for sure nandon lang siya.

Nadatnan ko ang gaga na abala sa pagpili sa kanyang maisusuot na damit. Nakatalikod siya at nakatowel pa.

"Hi Cassandra! Oh? ba't hindi ka pa nakapag-bihis?" tanong ko sabay upo sa kama. "Pssst."

Hindi ito sumagot.

"Cara, binge 'te?"

Hindi parin ito sumagot.

"Hoy, Cara." tawag ko ulit pero hindi parin talaga sumasagot ang gaga. Inis kong inihagis sakanya ang unan at tumama yun sa likod niya. "Hoy, bakulaw. Nandito na ako, kausapin mo nga ako!"

Mahahil narinig na ako ni Cara dahil napalingon na siya sakin. "Uy, hi Trix." tinanggal niya ang earphone sa magkabilang side ng tenga niya. "Kanina ka pa ba?"

I frowned. Kaya naman pala hindi ako narinig. Ano kaya pinakinggan neto? bold?

"Mukhang hindi mo ako narinig, nakakatampo ka."

Ngumisi si Cara saka pina-ikot ang mga mata. "Pinakinggan ko kasi latest song ni Belle. Have you heard it?"

Napangiti ako. Isa pa 'to. Masyadong malakas ang tama sa sikat na singer na si Isabelle Choi; isa sa mga best friends nila Ava. Number 1 fangirl siya ni Belle kaya hindi na ako na-supresa.

"Yeah, I heard it. Ang ganda, pero masyadong hugot. Feeling ko broken hearted sya 'nong panahong isinulat niya yung kanta."

"It doesn't matter i still love it anyways." ani Cara sabay ngiti ng malawak.

"Come on, bilis. Naghihintay na sila sa atin sa restaurant, ayokong pahintayin ng matagal si Ava. Alam mo naman yun masyadong mainitin ang ulo baka magalit tsk."

"Okay if you say so." walang sabi-sabing hinubad ni Cara ang tuwalya sa harapan ko, revealing her naked body. Napasinghap ako.

"Fuck you, Cara! Walang ganyanan buwesit." lumabas ako sa kwarto niya at iniwan siyang tawang-tawa.

Napa-iling ulit ako. Loka-loka talaga.

Umupo ako sa couch saka dito naghintay. Di nagtagal ay tapos narin si Cara at nagconvoy kami papuntang LaCuisine.

As we enter the fancy restaurant, nakita ko ang isang pamilyar na mukha mula sa di kalayuan kaya't siniko ko si Cara

"What?"

"Is that Samantha?" ininguso ko ang direksyong tinutukoy ko.

"Where?" sinundan niya ng tingin ang direksyong sinasabi ko. "Yeah, that's her. What is she doing here?"

Nagkibit balikat ako. "Malay ko ba."

Mukhang napansin kami ni Sam dahil ikinaway nito ang kamay sa amin, lumapit naman kami sa kinaroroonan nito. Damn she looks so stunning and beautiful on her dark blue dress, whew sexy. Minsan talaga hindi ko mapigilang pagnasaan 'tong kaibigang ko.

Unang nagsalita si Cara. "Well looks who's here, anong ginawa mo rito at nag-iisa ka lang?"

Samantha smiled at us. "Eh ikaw? Himala yatang nakatakas ka sa manager mong may sayad sa utak?"

Napangisi ako. Looks like our friend here is happy, I smell something fishy.

"Why are you guys doing here?" Sam curiously asked.

Nakangising lumapit ako dito saka bumulong. "I have a date." i told her.

"Hahay..napaka playgirl mo talaga noh? so who's the lucky woman?"

Ngumiti ako saka bumulong ulit. "Si Ava."

Kumunot noo nito. "Ava Isidro? The half russian actress?"

I winked and nodded. "The one and only."

Samantha chuckled. Nagkwentohan muna kami saglit bago ako una nagpaalam.

Umakyat ako papuntang second floor at pagdating ko, hindi ko inaasahan na nandoon na pala si Ava. She was talking to someone on her phone. Puno ng ngiti ko siyang nilapitan ngunit natigilan din nang marinig siyang tila sweet sa kausap niya.

"Okay, Stevie that's so sweet of you. I'll keep that on mind. I love you too."

I love you? ouchy!

Nanlulumong umupo ako sa harapan niya. Nagulat siya nang makita ako.

"Trixie! Ahm wait... Stevie ibaba na 'tong phone, call you later okay." aniya sa kausap bago inoff ang phone at tumingin sakin. "Hi, you're kinda late but it's okay ngayon lang din naman ako."

"Tssss....who was that?" yun agad tanong ko.

"What do you mean?" nagsalubong niya.

"Yung kausap mo kanina sa phone." puno ng selos na sabi ko.

"Si Stevie?"

I snorted. Sino yun? Manliligaw ba niya? Fuck! may karibal agad ako? hindi pwede 'to! Hindi ko yata kaya kapag sasabihin niyang may ibang manliligaw sa kanya. She's mine!

"Boyfriend mo?"

Mabilis siyang umiling. "No, he's just a friend."

"Bakit ka nag I love you 'don?" luh, feeling jowa?

"What's the matter with that?" she looked amused.

"I'm jealous." honest na tugon ko, madrama ko siyang tinignan.

Hindi nawala ang amusement sa mga mata ni Ava. Kapagkuwan ay mahina siyang tumawa. Her soft laugh was like music to my ears. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Jusko ang ganda niya talaga, more than willing akong maging alila sa babaeng 'to kung gusto niya.

"Nothing to worry about, Trix. Bakla si Stevie, normal na aamin yung mag-I love you sa isa't-isa."

Para akong nabunutan ng tinik. "Okay, but that doesn't change the fact that I'm still jealous."

Ava rolled her eyes. "Bakit? Kanino ba dapat ako mag I love you?"

"Malamang sakin."

Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. "Kapal mo naman."

Mahina akong natawa. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa mesa at saka yun ikinulong sa palad ko.

I really want this woman to be mine. I love her so much. If she could only give me the chance.....pero alam kong malabo yun. Ava is a straight woman, she said that many times, but who knows? A straight could always be bend and I'll make it sure I'll be the reason if she bends.

"You're so beautiful, love." sincere na sabi ko.

"Thank you, Trix." matamis siyang ngumiti sakin saka mahigpit ring hinawakan ang kamay ko. Agad tumibok ang puso ko. Sheeet! Eto na kaya yun? Yieeee!

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto kaming nagtitigan sa isa't-isa, basta ang alam ko nag-eenjoy ako. Kinikilig ang buong pagkatao ko leche.

"Ahem! Excuse me ladies, may I take your order?" Anang isang tinig. Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Agad bumitaw sakin si Ava at humarap sa waiter.

"Ahm....y-yeah, can I see the menu?"

"Sure ma'am, just a sec."

Panira ng moment naman 'to oh tsk. Sinundan ko ng tingin ang waiter.

"Remind me to screw that guy, istorbo e."

Ava laughed. "Silly."

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now