42 - Two girls, one heart

24.4K 837 623
                                    



Now I know why she left me. Anang isip ko habang nakatitig sa ibabaw ng kisame.

Nasa condo ako, and I'm currently at my worst state, mentally and emotionally. Tapos na kaming nag-usap ni Ava, and she told me everything. Ngayon at alam ko na kung anong totoong rason kung bakit kailangan niya akong iwan noon, may kung anong parte sa puso ko ang muling nabuhay.

Kinapa ko yun upang pakinggan. Oh no. Sa klase pa lang ng patibok nito, alam kong hindi maganda ang ibig sabihin 'non.

Bumangon ako mula sa pagkahiga at lumabas sa terrace. Sinalubong ako ng malamig na hangin.

I tilted my head up and let out a heavy sigh.

Ava added that she still loves me. And honestly.......I feel the same way. Ngunit hindi ko yun sinabi sa kanya. Oo aaminin ko, muling nagbalik ang nararamdaman ko para dito. Hindi ko alam kung paano, basta na-realize ko lang bigla na mahal ko pa'rin siya. After all this time hindi parin pala siya nabura sa puso ko. Tipong akala ko tuluyan na siyang nawala ngunit nagkamali ako.

Lahat ng galit ko sakanya ay natunaw lahat. Alam kong mali itong nararamdaman ko at dapat hindi ko ito pina-pairal. Gusto kong isipin na kaya ganito ang nararamdaman ko dahil na miss ko siya. I have Lovely and she's my fiancée at mahal na mahal ko ito. Kaya kung man 'tong nararamdaman ko kay Ava ngayon, lilipas lang 'to. Dapat ignorahin ko 'to. Ayokong umabot sa point na lumala ito. Natatakot ako.

Bumalik ako sa kuwarto at pasalampak na humiga sa kama. Sana bukas pag-gising ko, mawala na itong nararamdamn ko para kay Ava.













KINAUMAGAHAN, nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock. Pagbangon ko, timing din ang pag-beep ng phone ko. Nang buksan ko yun, message ni Lovely ang nandoon. Aniya, pupunta daw siya ngayon. Nag-aalala daw siya sakin kasi hindi ko raw siya tinext kagabi. Baka raw kung napaano ako.

Napangiti ako sa text na ito ng fiancée ko. That's why I love her so much, she really cares to me a lot.

Tumayo nako at nagtungo sa pinto ng banyo para maligo. After hitting the cold shower, nagbihis na ako.

Habang abala sa paglagay ng lipgloss sa aking labi, narinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto. Dali-dali akong lumapit doon dahil sa pag-aakalang si Lovely. Ngunit ng buksan ko ang pinto, nagulat ako nang si Ava ang tumambad sa harapan ko.

"Ava?" my brows furrowed in confusion.
What is she doing here? Anong kailangan niya?

Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang paper bag. Nakatatak doon ang logo ng restaurant na paborito ko.

"Hi." masiglang bati niya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa pormal na tono.

"I brought you some breakfast." nakangiting sagot niya.

Kumunot ang noo ko. Magsasalita na sana ako nang walang sabi-sabing pumasok siya sa loob. Sinundan ko siya ng tingin. Nakita ko siyang lumapit sa dining table at inilapag doon ang mga dala niya.

"I brought all your favorites." aniya habang inilabas lahat ng mga pagkain sa loob ng paper bag. "Mush potato, beef steak, grilled shrimps and strawberry shortcake." humarap siya sakin at saka ulit ngumiti.

I closed the door first bago nag-aatubiling lumapit sa kanya. "Uhmm thanks. Hindi ka na sana nag-abala, uhm what brought you here?"

"I just want to say thank you for last night, dahil binigyan mo ako ng chance para magpaliwanag sa side ko."

Napatitig ako sa kanya at pagkatapos umiwas ng tingin. "Walang anuman. You can leave now."

Katahimikan ang sumunod.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now