14 - Confirm

31K 939 470
                                    

AVA




"Lindsay, saan mo ba talaga ako balak dalhin?" naiiritang tanong ko sa aking pinsan habang hila-hila niya ang kamay ko.

"Sa pharmacy,"

"What?" nagsalubong pareho ang kilay ko. "Teka, ano naman ang gagawin natin 'don?"

"Basta," nasa parking lot na kami.

"Do I really need to come with you?" Pumasok ako ng kotse at nag seatbelt.

"Yes." she simply answered.

"The party isn't over yet, if in case you forgot."

"Oo alam ko, pero wala ka namang ibang ginawa 'don kundi mag-scrutinize sa mga amoy ng mga pagkain."

I rolled my eyes. "Totoo din naman ah, ang baho ng mga pagkain."

"Kaya nga," pinaandar niya na ang engine. "Iba na yung kutob ko sa'yo,"

"What do you mean?" i gave her a questioning look.

"Malalaman mo rin."

Nagtataka man ay nagkibit-balikat nalang ako. Sumandal ako sa backrest ng upuan at saka inabala ang sarili sa paglikot-likot ng app sa phone ko.

Ilang minuto ang lumipas nasa tapat na kami ng pharmacy. Hindi ko maiwasang mapailing, mukhang seryoso talaga si Lindsay sa sinabi niyang sa pharmacy kami pupunta.

"Stay here," bilin niya.

"As if i'm going anywhere." sarcastic na sagot ko.

Lumabas siya ng kotse saka pumasok sa loob.
Alas nueve y media na ng gabi kaya naman walang masyadong tao sa pharmacy. Hindi na nagtagal si Lindsay kaya wala pang sampung minuto ay nakabalik na siya. Hindi nako nag-tanong kung anong binili niya, i'm too lazy to ask.

"Let's go to your place." aniya bago ulit binuhay ang engine ng kotse.

Pagdating namin sa townhouse, aakyat na sana ako sa loob ng kuwarto ko nang bigla niya akong hinila patungong banyo.

"Lind," reklamo ko sabay waksi sa kamay niya. "I'm tired, gusto ko ng mag-pahinga."

"No, hindi ka puwedi matutulog unless hindi ko na-kumpirma ang matagal ko ng kutob."

Napakunot noo ako. "Huh?"

"I always caught you vomiting, Ava." she looked serious. "Noong una hindi ko 'yon pinansin, pero 'nong nakikita ko ang pag-iiba-iba ng mood mo, duon na ako nag-hinala."

Hindi ko magawang maka-sagot, nakatitig lang ako sa kanya.

"You were doing things that you don't usually do, and you started to become different." dagdag pa niya.

"L-lind.." tanging usal ko lang.

"Here," inabot niya sa akin ang isang rectangular box.

"What's this?" inabot ko 'yon at pinag-titigan.

"Pregnancy test kit,"

Napasinghap ako. "W-what?"

"Do it," she said with full authority.

"No, ayoko." ibinalik ko 'yon sa kanya.

"Just do it,"

"No. Hindi ako buntis, paano mo naman naiisip yan?"

Nag kibit-balikat siya. "It just came into my mind."

"Then you're wrong,"

Lindsay sighed heavily. "May third party bang nagaganap?" out of the blue niyang tanong. "Be honest to me, meron ba?"

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now