34 - Dr. Love

22.5K 849 425
                                    


"How is she doc, anong resulta ng CT scan niya? Is she going to be alright?" eto ang narinig ko nang magkamalay ako.

"Don't worry, Mr. and Mrs. Villanova, she will be just fine. Everything is clear. There are no signs of bleeding, swelling or serious injury. We have ruled out the possibility of brain injury."

I heard someone took a sigh of relief. "Thank you so much, Dra."

"You're welcome." yun lang at hindi ko na ulit narinig ang boses ng doctora. Narinig ko ang pagbukas ng pinto, marahil lumabas na siya.

Bahagya kong idinilat ang mga mata ko. Nung una ay medyo blur pa ang paningin ko. I closed my eyes again and took a little moment. When I open it again unti-unti ng luminaw ang paningin ko.

Lahat ng nakapaligid sakin ay kulay puti. The ceiling is white, the curtains are white. Even the walls and tables are covered with white. Teka, nasaan ba ako? Bakit puro puti ang nakikita ko?

"Trisha?" bahagya akong natigilan nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun.

"Trisha, ano'ng pakiramdam mo?" asked from another familiar voice. Tuluyan na akong napalingon sa kanila. That's when I found out it was my parents.

"Ma, Pa..." mahinang usal ko.

"Thank god you're awake." niyakap ako ni mama ng mahigpit. Ganon din si Papa. Puno ng pag-alala ang buong mukha nila.

"Where am i?" tanong ko nang pareho nila akong binitawan.

"Nandito ka sa hospital. You committed an accident." Sagot ni mama.

Muli akong natigilan. Suddenly, flashes of memories came into my mind. Crying, car swerving. bright light, screaming and darkness.

Naalala ko na, I lost control driving my car. Huli na nang mamalayan kong nasa maling lane ako. I remembered reaching my phone to asked for help, pero sa kamalasan ay nahulog ito. Tanga lang siguro ako dahil kinuha ko yun at huli na nang namalayan kong may nakasalubong akong delivery truck. I was able to avoid the truck pero doon naman ako sa poste nabangga. I don't know what happens next, ang tanging naalala ko ay nawalan ako ng malay.

"Sino ang nagdala sa akin dito?" Tanong ko ulit kay mama matapos kong alahanin ang nangyari.

"Nakita ka na mga kaibigan mo. Sina Sam at Cara. Silang dalawa ang nagdala sayo dito pagkatapos tinawagan nila agad kami. We travel all the way here from Cebu as soon as we found out you met an accident." Si papa ang sumagot.

"Trisha." Hinawakan ni mama ang kamay ko. "What seems to be the problem?"

Umiling ako saka mapait na ngumiti. "It's a long story, Ma. I don't even want to talk about it." hindi maitago sa boses ko ang lungkot. Hanggat maari ayoko munang i-kuwento sa kanila ang totoong nangyari. I know my parents will understand.

Hinaplos ni Mama ang buhok ko. Nasa ganitong eksena kami nang pumasok sa loob ang isang babae nasa tingin ko'y doctor. She was wearing a white coat. Nakasabit sa balikat niya ang isang stethoscope. Nakapusod ang buhok niya at naka face mask din siya. Tanging mata niya lang na may suot na eyeglasses ang nakikita ko.

"Doc," wika ni mama sakanya.

"Looks like my patient is already awake," sabi ni doc nang makalapit samin. "How are you?" she asked habang bahagyang nakatukod ang dalawang kamay sa edge ng kama.

"I'm fine, though medyo masakit pa ng konti ang ulo ko."

"That's normal." Lumapit siya sakin at mahinang pinitik ang noo ko. I frowned a bit when she did that.

"Doc, kailan ba sya pwedeng ma-discharge?" tanong ni mama.

"Later, Mrs. Villanova. But for the meantime, let me just check on you." Tumingin ang doctora sa akin, kahit nakasuot siya ng face mask ay may pakiramdam akong ngumiti siya. She leaned forward and gently open my left eye. She flashes a penlight on it dahilan para bahagya akong masilawan. "I guess okay ka na." nagulat ako nang kurutin niya ang ilong ko. "Kukunin ko lang ang lab result niya." humarap si doc sa magulang ko.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon