17 - Flynn's cuteness

27.4K 999 228
                                    

1 year and 6 months after...




Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may maliit na kamay na dumapo sa aking pisngi. Kahit nakapikit ay alam ko agad kung kanino galing 'yon. Napangiti ako. Sanay na akong tuwing umaga na ganito ang ikina-gigising ko.

"Mommy wake up," said by a cute and tiny voice nibbling against the side of my ear.

"Hmmm," I groan a little, pagkatapos ay dumilat.
Mas lumawak ang ngiti ko nang masilayan ang napa-cute na mukha ni Flynn. She was smiling with all ears, reason for her dimples to show up.

"Hi mom!" bati niya, she was still on her pajamas at may bitbit din siyang kulay pink na teddy bear.

"Good morning my little one." bati ko rin.

"Good morning mommy," clingy siyang yumakap sa leeg ko. "Let's eat breakfast na po."

"Awww ang sweet naman ng anak ko," hinaplos-haplos ko ang buhok niya. "How's your sleep? Have you been dreaming?"

"Yep! I dream about a bad giant unicorn flying over a rainbow, tapos nag-away daw sila ni Tita Witch."

"Really? What did Tita Witch do?" ang Tita witch na tinutukoy ni Flynn ay walang iba kundi si Czarina. Her Tita Witch, as what she named her.

"Tita witch was very brave, she was powerful. Inaway niya ang bad unicorn, but she needed help." Patuloy niya.

"Oh no, what happened?" sakay ko.

"The squad came. Si Tita beautiful, Tita gorgeous, Tita sexy, Tita hot and Tita fabulous came along to help her. They all defeated the giant!"

Malakas ang naging tawa ko. Flynn was referring to her other Tita's, at ang mga kaibigan ko naman ay tuwang-tuwa sa tuwing naririnig nila ang bago nilang pangalan.

After ng story telling ay sabay na kaming bumangon ni Flynn at bumaba sa hagdan. Pagdating sa loob ng kitchen ay agad pumuwesto anak ko sa upuan niya.

"Yaya, paki-abot yung cereal at milk sa ref." utos ko sa yaya ni Flynn.

"Mom, I want hotdogs po."

"Baby, you eat too much hotdog na. It's not healthy."

"But I want hotdogs," she pouted.

"Flynn listen to mommy, next time na ulit ang hotdogs okay?"

"Fine," sagot nalang niya, still pouting. "I want Coco crunch." she requested instead.

"Yes boss." Natatawang sagot ko. Kumuha ako ng bowl at nilagyan yun ng coco crunch at fresh milk.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapangiti habang pinag-mamasdan si Flynn.

My daughter is growing fast. She's already one year and 8 months old. Most of the kid's at her age are still struggling in uttering a single word, but not for Flynn; she's gifted. Sa murang edad niya ay madali lang siyang nakatutong mag-salita. Her pediatrician adored her so much. Napaka-talkative at matalino kasi. She's well trained and well developed. Everyone loves her, especially my parent's. Spoiled na spoiled siya sa Grandmama at Grandpapa niya at spoiled din siya pagdating sa mga kaibigan ko. My friends love and adored her so much to the point na minsan hindi na siya makabalik sakin, paano ba kasi? kini-kidnap siya ng mga Tita niya.

Habang nasa kalagitnaan kami nang agahan ay narinig ko ang pag-tunog ng phone ko. Saglit akong tumayo upang sagutin yun.

"Hello Tita Minerva?" it was my manager calling, pinapaalala nito sakin ang tungkol sa revising at resume schedule ng taping ko. Saglit kaming nag-usap bago ko ini-end ang tawag. "Baby, finish your food okay? Mommy will get ready for work." sabi ko kay Flynn nang makabalik ako sa table.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Место, где живут истории. Откройте их для себя