03 - Fun times

37.5K 1.1K 106
                                    

Date published: 07/10/2016



TRIXIE


Mahigit two weeks na kami dito sa France at aaminin kong sobra-sobrang akong nag-enjoy dito kasama si Ava. Kahit siya ay nag-enjoy din. Masaya ako dahil kahit papaano ay bumalik na yung dating sigla niya; yung pagiging mataray, masungit at higit sa lahat yung pagiging mainitin ang ulo lalo na sa tuwing kinukulit ko siya. I'm glad seeing her being herself again.

Kasalukuyan kaming nasa Gucci store at namimili ng mga bags. At habang namimili, pasimple kong inilabas ang iPhone ko para palihim siyang kunan ng larawan.

"There," sabi ko habang sinave ang picture niya, may pang wallpaper na naman ako. Yieeee.

"Trixie, how about this? Bagay ba 'to sa akin?" tanong niya habang ipinakita sakin ang kulay red na leather sling bag. She was standing in front of a huge mirror while checking herself up.

"It looks good on you." I answered with full admiration. She was posing like a model and she looked so hot while doing it. Step on me ma'am!
Ang ganda niya talaga. Nakakawala ng katinuan.

"Are you sure? Because i had a hard time choosing between this sling bag or this handbag." ipinakita niya sakin ang kulay purple na handbag.

"Pareho silang bagay sayo." sabi ko. Pero mas bagay tayo.

"Trixie naman e, mas lalo tuloy akong naguluhan."

"But i like the red one, it looks more hot on you." i quickly preferred.

"Okay, i'll take this." ibinalik niya ang purple handbag sa lagayan at pinili ang red na sling bag. After niyang bilhin ang bag ay nagdinner kami sa isang Restaurant malapit sa Eiffel Tower. The place is so romantic. Masaya kaming naguusap habang kumakain. Nang makabalik kami sa hotel, napansin ko ang bigla niyang pananahimik. She was looking at a certain direction so I curiously followed it to see what it was.

Right there I saw a tall and well builted man standing near the reception area. May kasama itong babae nasa tingin ko'y girlfriend o di kaya asawa nito.

Ewww... Public display of affection much?

Binalingan ko ng tingin si Ava at ganon nalang ang gulat ko nang makita siyang umiiyak.

"Ava?"

Hindi niya ako pinansin, bagkos dali-dali lang siyang pumunta sa elevator na agad ko namang sinundan. Nang makarating kami sa room namin, sinundan ko lang siya ng tingin. Kumuha siya ng wine glass at sinalinan yun ng alak. Napakunot-noo ako. What happened? Naging sunod-sunod ang pag-lagok niya and it's concerning kaya hindi ako naka-tiis, inagaw ko sakanya ang baso rason para magalit siya.

"What the fuck? Trixie give me that!" she tried to reach for the glass but i didn't let her.

"That's enough."

"No! Give me that!"

"No."

"Akin nayan sabi!"

"Never." Inilagay ko ang wine glass sa trash bin.

Ava groaned in frustration. "Damn it, Trixie! Can you please give me some privacy?" muli siyang kumuha ng panibagong wine glass pero agad ko rin yung binawi.

"I said that's enough. Hindi ko alam kung bakit ka biglang nagkakaganyan, but whatever it is alcohol is never been a solution."

"I hate you!" singhal niya. She was already crying.

"I don't care."

Ava gave me a piercing eye look bago padabog na pumasok sa banyo.

I heaved a sigh. I grabbed my phone and dialed Tita Minerva thru an overseas call.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now