19 - Bonding

30.6K 969 180
                                    

AVA



Simula ng masayang pagkikita nila Flynn at Trixie ay naging malapit na agad sila sa isa't-isa, halos hindi pa nga mapag-hiwalay. Ang bilis noh? I'm really happy for them both.

Anyways, today is sunday and i'm in the middle of baking cookies for my daughter when suddenly my friend Czarina broke into the kitchen. Dumadagundong ang boses nito sa lakas.

"Avallaine, nasaan ang anak mo!?"

Napa-angat ako ng tingin mula sa oven. "Cza? Anong kailangan mo sa kanya?"

"Gusto ko siyang makita." maawtoridad nitong sabi habang gusot na gusot ang mukha.

"Ano na naman bang kasalanan ng anak ko sa'yo?" bored kong tanong habang ipinagpatuloy ang ginagawang pag bake.

"Basta sakin na lang yun, di ka maka relate e."

Nag-angat ulit ako ng tingin. "Ano nga 'yon?"

Napabugha ng hangin si Cza at pagkatakapos nag-cross arms. "Ang daming atraso ni Flynn sakin mula pa kahapon." 

"And?"

"Anong and? Hello ganito kasi 'yon. Una, ginawa niyang blackboard ang cabinet ko. Pangalawa, she ruined my make-up set. At pangatlo, ginawa niyang drawing book ang scripts ko!" ipakita nito ang isang script na puno ng mga drawings. Natawa ako.

"So galit ka na niyan?"

"Obvious ba? Kaya isuko mo na sa akin yang anak mo bago pa ako magwala dito."

"She's in her room." I pointed the pink door from upstairs. "Binihisan pa siya ng yaya niya, may lakad kasi sila ngayon ni Trixie."

"Good." she smirked. "Humanda talaga ang batang 'yon,"

"Oh no," I heard a tiny gasp coming from the kitchen entrance. Paglingon ko, nakita ko si Flynn nakatayo doon. Nakapag bihis na ito.

"Hello baby girl," I smiled at my daughter. Ang cute nitong tignan sa suot na jumper.

"You!" turo naman ni Cza kay Flynn. "You little monster!"

"Uh oh." Flynn's eyes grew wide. "Whaaa! It's Tita witch!" tumakbo ito patungong living room.

"Hindi mo ako matatakasan!" agad hinabol ni Cza si Flynn.

"Mommy! Help! Tita Witchy is chasing me!" sigaw ni Flynn habang paikot-ikot sila ni Czarina sa mahabang sofa.

"Czarina tama na' yan, para kang bata." suway ko sa kaibigan.

"Hindi! Nag-lalaro kami!" sagot lang ni Cza.

Napapailing na ibinalik ko na lamang ang atensyon sa ginagawang cookies. Minsan din talaga umaandar ang pagiging isip bata nitong si Cza. She doesn't act her age, baliw lang talaga.

Ilang minuto ang nakalipas hindi ko na narinig ang dalawang naghahabolan. Paglingon ko sa kinaroroonan nila ay nakita ko silang parehong nakahandusay sa carpeted na sahig--Parehong pagod. Si Cza ay nakapwesto malapit sa marble vase habang si Flynn naman ay nakahiga sa tiyan nito.

"Silly girls," amused sabi ko.

Inaabala ko ang sarili sa paglalagay ng sprinkles sa cookies nang maka-amoy ako ng pamilyar na bango mula sa aking likuran. Agad akong napangiti. No need to guess, isang tao lang naman ang nag mamay-ari sa pamilyar na amoy na'to.

Nag-drama akong walang napansin, I just kept on pretending being busy hanggang sa naramdaman ko ang mga brasong pumalibot sa magkabilang bewang ko. My lips twitch wide as I saw Trixie hugging me from behind.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now