16 - Baby Flynn

28K 848 230
                                    

AVA



Malaki ang adjustment ko para sa sariling katawan. I've been to a lot of pressure due to my pregnancy but it's all worth it, i'm still excited. Sa mga nakalipas na buwan wala akong ibang ginawa kundi ang mag-bed rest at ang mag-pakalusog. Nine months na ang tiyan ko at konting araw nalang ay manganganak na ako.

My mom has been taking good care of me, she even hired two private nurses just for my own safety. Kung dati hindi kami close, ngayon ay nag-bago na, for the first time nag-kasundo kaming mag-ina na walang samaan ng loob.

Kasalukuyan akong nasa clinic at kasama ko si mama. I've been suffering a terrible neck and back pain this morning kaya naman minabuti nito na mag-pa-checkup ako.

"As you can see, Ms. Isidro, the baby's heartbeat is normal. She's one hundred and one percent healthy." Nakangiting sabi ng obstetrician nasi Dr. Kath, habang inu-ultra-sound ang tiyan ko.

My baby. Nanginginig ang mata ko habang pinag-mamasdan ang screen ng monitor. It's a girl. Parang gusto kong mag-talon sa saya. I'm going to have a daughter!

Pero ang sayang naramdaman ko ay napalitan saglit ng lungkot.

Trixie...

Sigurado akong matutuwa siya kapag malaman niyang babae ang magiging anak ko. Ang balita ko'y tinanggap niya ang offer para sa isang American tv series. I'm so proud of her, sa wakas natupad narin ang isa sa mga ultimate dream niya; at yun ay ang makabilang sa cast ng American tv production. Trixie said that many times and i'm so happy for her, she had my full support and i'm going to miss her so much.

After ng ultra-sound, nagbigay pa nang ilang instructions si Doc Kath. Pagdating sa bahay ay agad akong pumanhik sa bedroom at nagpahinga.

Kinahapunan habang nag-babasa ng magazine, biglang sumakit ang batok ko at sumakit rin pati bumps ko. Mabuti nalang at agad akong dinaluhan ng private nurse, mabilis nila akong inalalayan. Saglit namang nawala, ngunit lumipas ang ilang minuto ay muli na naman umandar ang sakit, and this time it was my upper and lower back.
I have a feeling that i'm about to deliver, pero sa pag-kaalam ko' y next week pa ang delivery time ko.

"Ms. Ava, mukhang manganganak na ka' yo." Anang isang nurse sakin.

"Call my mom please,"

Tumango ang nurse at nag-mamadaling lumabas ng silid. Hindi naman nagtagal bumalik ito kasama si mama. They immediately help me get inside the car.

Half way through the road, i started to groan in so much pain. Pagdating sa St. Luke's, sa emergency room nila agad ako dinala. Napaligiran ako ng doctor at mga nurses, indeed i am screaming in pain again. The doctor kept on telling me to push and so i did, I kept on pushing and pushing.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong dumadaing sa sakit. Alam kong masakit manganak, but I never thought that it would be this painful.

"Ughh," In my one last push, finally I delivered.
Para akong dinuduyan ng marinig ang malakas na iyak ng sanggol. Nang lumingon ako rito kasabay naman 'non ay ang panlalabo ng paningin ko. Hindi ko alam kung ano ang mga sumusunod na pangyayari, namalayan ko na lang nakatulog na ako sa matinding pagod.









NAGISING ako ng makarinig ako ng pamilyar na mga boses. Nang pasimple kong inimulat ang mga mata ko ay bahagya akong nasilawan nang dahil sa over-head lights.

Nakarinig ako ng tilian at tawanan kaya agad sumilay ang ngiti ko.

It was my friends, nakatalikod sila kaya hindi nila agad ako namalayan.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now