"Damn. Don't— stop it kitten."

"Masama ba 'yon?"

"Don't ask the meaning of those words. Those are bad words." Lalong kumunot ang kaniyang noo.

"Ibig sabihin masama ang fuck."

"Fuck!" Bakit mukha na siyang naiirita?

"Ano nga ang ibi—hmmp." I was cut off by his kiss.

"Hsksmakakas— camera! Pahiram ng camera!"

Suminghap ako ng hangin nang humiwalay siya sa akin. Agad kong tinakpan ang bibig at pinanlakihan siya ng mata.

"Bakit mo ako laging kini-kiss!? Masama 'yon, bata pa ako. I am just turning 18, at namumuro ka na," maktol ko.

"It's okay, baby kitten. And you Elixir, sinabi ko ba na tanggalin mo na 'yang tape?" Namutla si Elixir at tinakpan muli ang bibig ng tape.

Umiwas ako ng tingin at tinignan ang mga sugat na nagamot na ng nurse. Nasa may south wing kami kung saan naging evacuation center ang gymnasium. At ang mga kalaban naman ay nasa north wing daw, nakaharang sila sa may gate.

Mabuti na lang at hindi magdamag ang laban. Siguro napagod na rin ang mga kalaban.

"Hoy, k ka lang?" Tanong ni Elene at umupo sa tabi ko.

"Kitten, are you mad?" Ngumuso ako at hindi pinansin si Greg. I heard him sighed at tumayo. Hinalikan niya ako sa noo.

"I need to check the students. I'll be back." Umalis na siya at tinungo ang iba. Kinurot ako sa tagiliran ni Elene.

"Bakit 'di mo pinansin!? Nag-iinarte lang beh? Parang deads na deads sa'yo si Fafa Greg. Ni-kiss ka pa niya, lalo na 'yung kanina.." Kinagat niya ang labi at humagikhik, "ang hawt niyong dalawa. Kaso panira ka, hindi ka marunong humalik."

Uminit ang pisngi ko at umiwas ng tingin. Nakakahiya 'yong mga sinasabi ni Elene. Napapatingin pa sa amin 'yung ibang mga estudyante at mukhang gusto rin malaman ng nangyari.

"Elene nga... wag ka maingay," bulong ko. She squealed!

"Sus! So ano nga ang inarte mo ngayon? Bakit bigla kang ng ignore?" Tanong niya.

"Eh kasi siya, e. P-pakiramdam ko gusto na niyang burahin ang lips ko. Tapos namamanhid na rin, e," nahihiya kong saad. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at inalog-alog.

"Kyaaaah."

"Aray— masakit Elene," reklamo ko. Natigilan siya at marahan na tinanggal ang hawak sa akin.

"Sorry, Eirian. Pero kasi, ang inosente mo. Kung ako lang 'yon, hindi ko alam kung saan kami napunta. Ang hot ni Fafa Greg kaya! Sabog matris ako, beh! Kung ako lang talaga 'yon!" saad niya. Nalukot ang mukha ko.

"Pero hindi ikaw 'yon. Ako 'yon Elene." Natigilan siya at napatitig sa akin. Maya-maya ay bigla na lang siyang humalakhak nang napakalakas.

"Oh my! Nag-upgrade ka na! Nagseselos ka na, beh!" She shouted. I frowned deeper.

"Selos?" Tanong ko.

"Loka-loka! Hindi mo alam 'yon?"

"Alam ko," sagot ko. Umismid siya.

"Tss. Pero hindi mo alam kung ano ba talaga ang tamang meaning no'n. Selos ka no?" Umiling ako at nanahimik.

"Weh? So okay lang kapag kami ni Greg ang nag-kiss." Lalo akong natahimik at mariin na tinikom ang bibig. Napasulyap ako sa nakakuyom kong kamao. Bakit naiinis ako kay Elene?

"Elene, huwag kang magsalita ng ganiyan. Kasi naiinis ako, eh," sagot ko. Nagpipigil siya ng tawa hanggang sa tumawa na nga siya nang malakas.

Biglang lumapit sa amin sila Clarence at Sunshine. Umupo sila sa may harap namin habang naka-indian sit.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon