Bigla na lang niya ako binuhat na parang sako. Nanlaki ang mata ko at hinampas ang likod niya.

"Ibaba mo ako!" Tili ko. He just held me firmly. Nagsimula na siyang maglakad. Nakita ako nila Elene kaya tinawag ko sila.

"Tulungan niyo ako. Tulungan niyo ako makawala sa kaniya," saad ko at nagmamakaawa na tinignan sila. Elene shook her head.

"Go on, Last, please make sure that she's safe." She said. Lalong nanlaki ang mata ko.

"Elene!" Tili ko. Nagpatuloy na sila sa pakikipaglaban.

"Xicarus, Elixir, resume covering us," Last said.

Ilang beses kong sinubukan na makawala pero hindi ko pa rin nagawa. Hanggang sa mapagod na ako at nanahimik na lamang. Palayo na kami nang palayo mula sa ingay. Kasama pa rin namin sila Xicarus.

"Ibaba mo na ako," mahina kong saad nang maramdaman ang hingal ni Last.

"Hindi ka tatakas?" He asked. I shook my head.

"Hindi. Tsaka mahuhuli niyo pa rin naman ako," saad ko. He heaved a sigh at dahan-dahan akong binaba. Pinasadahan ko ang buhok at tumingin sa paligid.

"Nasaan tayo?" Tanong ko. He hold my hand tightly nang magpatuloy kami sa paglalakad.

"Sa may south wing, sa bandang likod," sagot niya sa 'kin.

"E, si Greg? Nasaan siya?" Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Biglang may humarang sa amin na dalawang lalake at sinugod kami.

Si Elixir at Xicarus ang lumaban sa dalawang 'yon. Walang kahirap-hirap nilang napabagsk ang kalaban. Halos mapanganga ako sa bilis ng kilos nila. They look like a pro fighters.

"Alam kong gwapo ako pero wag kang maglaway, Eiria," nakangisi na saad ni Elixir.

"Alam kong mahangin ka Elixir, kaya gusto ko lang tanungin, handa ka bang mamatay kapag nalaman 'yan ni Dieu," ngising saad ni Xicarus. Kumunot ang noo ni Elixir at namutla.

He cleared his throat, "bakit si Last, binuhat pa niya si Eirian, a?"

"Tss, shut up fuckers."

Tahimik kaming naglakad hanggang sa tumigil kami sa harap ng building. Maayos pa ang lugar, mas maayos pa sa building na pinapasukan namin nila Elene.

"Ano 'to?" Tanong ko.

"Drawing," sagot ni Last. Nagpipigil naman ng tawa si Xicarus at si Elixir.

"Talaga?" Nanlaki ang mata ko, "akala ko building. Drawing lang pala. Ang galing naman, parang totoo!" Mangha na mangha kong tinignan ang nasa harap namin. Mukhang totoo pero si Last kasi ang nagsabi. Lagi siyang seryoso. Bigla namang tumawa ang dalawa.

"Ang cute talaga nitong pusa ni Dieu." Natatawang saad ni Xicarus.

"Tayo na nga! Nakakabaliw ka!" Sikmat ni Last at dinala ako sa may likod na banda.

Hinawi niya ang mga damo at tumambad sa amin ang maliit na pinto. He opened and pointed it.

"Dito? Ang sikip yata diyan." Saad ko.

"Fuck! Bilisan niyo na!" Narinig kong sigaw ni Elixir. Napamura si Last.

"Sige na, nandiyan na yung mga kalaban. Shit!" Hinawakan niya ako sa ulo at pilit na pinapasok sa loob.

Para iyong maliit na compartment. Sumandal ako sa pader na nasa loob at niyakap ang tuhod para magkasya ako nang maayos. Sinilip ako ni Last at ngumiti siya nang bahagya.

"Diyan ka lang, okay? Huwag kang lalabas. Babalikan ka namin dito," saad niya. I nodded.

He patted my head bago niya isinara ang pinto na kakulay ng pintura ng pader mula sa labas. Dumilim na sa loob at wala na akong marinig mula sa labas.

Angst Academy: His QueenWhere stories live. Discover now