45 - Mahal ko o Mahal ako

Start from the beginning
                                    

"H-hello. I thought you were in Seoul? Kailan ka pa nakauwi?" tanong ko after isara yung pinto saka lumapit dito. Napansin ko may dala itong paper bag.

"It doesn't matter, ang importante nandito ako." She answered bago ako pinagtitigan ng mataman. "Nakuwento sa'kin ni Georgina yung tungkol sa inyo ng ex-girlfriend mong two timer din. Are you okay now?"

Hindi na ako nagtaka kung nalaman niya ang tungkol sa nangyari because I already expected Georgina will tell her about it. I sighed heavily. "I'm not feeling well."

She looked worried. "I'm sorry to hear that."

"It's okay. Makakaya ko rin 'to." pilit akong ngumiti although deep inside gusto ko ulit umiyak.

"Halika, doon tayo sa terrace. Magusap tayo." Ginanap niya isang kamay ko saka ako hinila palabas ng terrace. Pagdating namin dito, may couch, pero mas pinili kong umupo sa sahig. "Here." Inabutan niya ako ng isang disposable spoon at isang plastic cup nasa tingin ko'y ice cream. Marahil galing yun sa paper bag na dala niya kanina.

"For me?"

Tumango siya at magaang ngumiti. "It's what you needed."

Kinuha ko naman ito sakanya. "Thanks."

"You're welcome." Umupo siya sa tabi ko. "Strawberry nga pala ang flavor niyan."

Natigilan ako. Strawberry. Mukha agad ni Trixie ang lumarawan sa isip ko. Ayoko sanang umiyak pero kusang namasa ang mga mata ko. Shit naman o, naala ko tuloy si Love.

"Oh, ba't ka umiyak? Kulang pa ba 'yan sayo?"

"Sira, hindi." Pinahid ko yung luha ko saka umiwas ng tingin. "Naalala ko kasi bigla si Trixie."

"Nang dahil sa ice cream?"

"No." I shook my head and sniffed. "Nang dahil sa strawberry."

"Oh jeez." tanging komento niya.

Binuksan ko ang takip ng strawberry flavored ice cream and scoop a large amount. Kinain ko yun ng hindi iniinda ang lamig.

Katahimikan ang sumunod na nangyari. Tahimik akong kumakain habang tahimik ring umiiyak at iniisip si Trixie.

"Try not to think of her while eating that." basag ni Isabelle. Napatingin ako sakanya. Tulad ko ay kumakain din siya ng ice cream.

"Walang oras na hindi ko siya iniisip, Belle." Malungkot na sabi ko.

"Halata nga." aniya pagkatapos akong sulyapan at ibinalik ang tingin sa kinakaing cookies n' cream.

"Laman talaga siya ng buong isip ko. Actually for almost two years, laman siya ng buong utak ko." I scoop another spoonful of ice cream and ate it while tears continuing slid down my eyes.

Hindi na si Belle nagkomento pa, bagkos tahimik lang niya akong pinag-mamasdan habang napailing-iling.

Napahawak ako sa necklace na ibinigay sakin ni Trixie noong nakaraang araw. Muling napuno ng lungkot ang puso ko. Na-miss ko na naman siya. Actually, palagi naman talaga. Walang oras na hindi ko siya nami-miss. Paano ba ako mabuhay ng normal kung sa bawat segundo ay siya yung iniisip ko?

"You're hurting yourself." ani Belle.

"Diba ganon naman talaga kapag nagmahal? Kailangang masaktan."

Umangat isang kilay niya. "So ginagawa mo yan para masaktan yang sarili mo ganun?"

Hindi ako sumagot, umiwas lang ako ng tingin saka ulit kumain ng ice cream.

"I hate seeing you like this, Avallaine. Pwede bang kalimutan mo nalang siya?"

"I can't, Belle. I love Trixie so much."

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now